Pinagdaanang Buhay Nina Florante at Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa Madlang Cuadro historico o pinturang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahon sa imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog
Narrator: Sa gitna ng malawak na gubat na matatagpuan sa labas ng kahariang Albanya ay may isang binatang nakagapos sa puno ng higera. Ang gubat ay pinamumgaran ng mababangis na hayop, nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punong-kahoy na may masangsang na amoy. Ang binatang nakagapos sah higera ay si Florante na maihahambing kay Adonis. Anak siya ng mag-asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca na kapwa taga – Albanya. Si Adolfo na sukaban ang pumatay sa kanyang amang hari. Si Laura naman na kanyang kasintahan ay inagaw din nya kay Florante at pinapatay pa nito ang ama nito na si Haring Linseo.
Florante: Diyos ko..! Bigyan niyo po ng katarungan ang kasamaang nagyayari sa Albanya. Wala ka nang makikitang mabuti..!Dahil lahat ng nagpapakita ng kabutihan ay may parusa ng kamatayan. Naglipana ang kalupitan, karahasan, pagsasamantala sa kapwa. Kaya wala nang magawa ang mga tao. Kakagawan lahat nito ni Konde Adolfo! Dahil sa paghahangad niya sa kapangyarihan ng Albanya! Ano’t nagging malupit satin ang kapalaran. Nasaan ang katarungan? Ni isa wala man lang dumamay sa akin.
Florante: Nasaan na Laura ang iyong mga sumpa?!?! Nasaan ang iyong pangako? Isa kang taksil..! Bakit ngayon ay magpapakasal ka kay Adolfo?!??!?!
Narrator: Biglang nanumbalik sa gunita ng binata ang ilang bahagi ng lumipas…
Laura: Florante, ang bawat sandaling ika’y hindi ko kapiling ay katumbas ng maraming taon sa akin.
Florante: Wag kang mag-alala giliw kong Laura, ang pag-ibig ko sa’yo ay wlang maliw.
Laura: Florante, hetong mga bulaklak, upang mapasaya kita.
Florante: Maraming salamat. Inahalintulad kita sa kagandahan ng mga bulaklak na ito.
Laura: Florante, heto ang espada mo, itago mo yan. Para sa iyong pakikidigma.
Florante: Wag kang mag-alala mahal kong Laura, hindi ako mapapahamak sa mga pakikidigma ko.
Narrator: Nagkataon naming sa gubat ding yaon ay napadako si Aladin na isang Morong taga – Persya na anak ni Sultan Ali – Adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa pag – ibig ng kanyang kasintahan ay umalis sa sariling bayan.
Aladin: Flerida, bakit mo ako ipinagpalit sa aking ama? Sa dinami daming pwedeng umagaw sayo ay ang ama ko pang iginagalang. Tapos na ang ating pagmamahalan.
Ngunit patuloy na pumapatak ang bawat sandaling natitira habang ika’y kapiling ko. Siguro nga’y paalam na subalit may iniwan kang puwang sa aking puso.
***uupo si Aladin***
Narrator: Habang si Florante ay nakagapos pa rin sa higera ay may dalawang leon na sa pagkita mo pa lamang ay parang kakainin ka na nila ang dalawang leon na ito ay nasa harap ni Florante buti nalamang ay dumating si Aladin…Akala niya ay ito an ang katapusan niya.
***lalabanan ni Aladin ung leon***
Narrator: Nagsa-apolo mandin ang gerero na inusig ng taga ang dalawang leon na naturan. Umamo ang mga leon at umalis. Inalalayan ni Aladin si Florante.
Florante: Laura, giliw kong Laura,..(mejo inaantok style pah)
Florante: Ika’y..ika’y…ika’y isang Moro..! Sino ka? Hindi ako makapaniwalang isang Moro ang magliligtas sa akin.
Aladin: Oo nga isa akong Moro, ngunit ako ay may puso at damdamin din. Wag kang matakot, ika’y aking aalagaan muna. Nakikita ko sa iyong pananamit na ika’y taga – Albanya. Ako naman ay isang Persyano. Kahit ang bayan niyo ang kaaway ng aming bayan ay itinuturing kitang katoto.
Florante: Salamat sa pagkakaligtas mo sa buhay ko. Kung ako’y di mo nailigtas ay malamang nasa tiyan na ako ng mga busog na leon.
Aladin: Walang anuman. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo din naming parehong sawim palad.
***lumipat ng pwesto***
Aladin: Dito ka muna magpahinga kaibigan, magdamag kitang aalalayan.
***pagkagising ni florante***
Florante: Hindi ka natulog?
Aladin: Oo. Para mabantayan kita sa gubat na ito. Na maraming mababangis na hayop.
Florante: Maraming salamat. Isa kang bang mabuting kaibigan? Paano kita mapapasalamatan?
Aladin: Magtiwala ka sa akin. Ikwento mo naman kung paano ka nagkaganito.
Florante: Isasalaysay ko sayo ang aking buhay mula sa aking kamusmusan. Ako si Florante. Taga – Albanya. Ako’y anak nila Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Ang aking ina ay anak ng hari sa kahariang Crotona. At ang aking ama ay ang taga payo sa hari ng Albanya na si haring Linceo na ama ng aking sinisinta na si Laura. Bantog ang ama ko sa karunungan.
Narrator: At isinalaysay na nya ang kanyang buhay…
Narrative voice ni Florante: nuong ako ay musmos pa lamang ay ikuwento ng aking ina na ako ay muntikan nang madagit ng buwitre. Buti na lamang ay nandyan ang aking pinsan na si Menalipo.
***balik tanaw***
***papunta na ang buwitre***
Prinsesa Floresca: Florante anak ko..!
Menalipo: Ako po ang bahala sa buwitre an iyan.
Prinsesa Floresca: mag iingat ka huh..
Menalipo: opo..!
***pinana ni Menalipo ang buwitre***
Prinsesa Floresca: Maraming salamat sa iyong pagligtas sa iyong pinsan, Menalipo.
Menalipo: Walang anuman po iyon.
NVNF: Nung ako naman ay bagong lumalakad, habang ako ay naglalaro sa gitna ng salas, may pumasok na Alkon at biglang sinambilat ang kupidong dyamanteng nasa dibdib ko.
NVNF: Nang tumuntong ako sa edad an siyam, dito ko nahangaan ang ganda ng kalikasan.
Florante: Napakaganda ng ating paligid! Dapat pasalamatan natin ang Diyos sa ganda gn ating mga kalikasan. Ang mga punong kahoy, bulaklak, ilog at lupa. Sila ay biyaya ng kalikasan.
NVNF: Pinagaral ako ng ama ko sa Atenas kahit tutol ang aking ina.
Duke Briseo: Florante anak, kailangan mong mag – aral sa Atenas para mahasa ang iyong mga kakayanan at kaalaman.
Prinsesa Floresca: Hindi maaring mag – aral si Florante sa Atenas! Ayoko siyang mawalay sa aking piling.
Florante: Ina, ayos lang po iyon. Kelangan ko din ito sa aking pag laki.
NVNF: Ako ay labing isang gulang nang pumasok sa Atenas. Si Antenor ang aking guro. Naging kamag aral ko si Adolfo na anak ni Konde Sileno. Huwaran si Adolfo sa kabaitan sa klase. Ngunit, kami ay hindi naging malapit sa isa’t isa.
Adolfo: Ako na po ang magliligpit nito.(sipsip)
Antenor: Salamat..
Adolfo: Magandang umaga po!(sipsip)
Antenor: Magandang umaga din!
NVNF: Pagkaraan ng anim na taon ay natuto ako ng Astrolohiya, Matematika at Pilosopiya.
NVNF: Nagkaroon kami ng dula – dulaan sa paaralan. At doon lumabas ang tunay na kulay ni Adolfo. Ang aming dula ay isang trahedya ng dalawang apo ng tunay na ina at kapatid ng nag-iwing ama, anak at asawa ng Reyna Yokasta.
Extra: mga tauhan: Florante bilang Etyokles, Adolfo bilang Polinese ________ bilang Adrasto at menandro bilang Yokasta.
(kunyari nageespadahan)
Adolfo: hahahaha! Papatayin kita! Malapit na ang katapusan mo!
Florante: Huwag! Maawa ka!
Adolfo: Wala ka nang magagawa! Na “corner” na kita! Mwahahahaha(evil laugh)
(malapit na ang spada)
Menandro: Adolfo! Itigil mo iyan!
(tinigil)
Florante: Maraming salamat sa iyo. Kung hindi dahil sayo ay duguan na ako.
Menandro: Walang anuman iyon. Ayoko mamatay ang aking pinakamatalik na kaibigan. Dapat mapatalsik si Adolfo sa Atenas.
Antenor: Tama ka dyan!
(announcement)
Antenor: Dahil sa tangkang pagpatay ni Adolfo kay Florante, na lumalabag sa batas ng paaralan, nararapat na siyang patalsikin dito sa Atenas. Nakakasira ng pangalan ng Atenas ang ginawang kawalang hiyaan ni Adolfo.
NVNF: Makalipas ang isang taon ng pagkaalis ni Adolfo ay nakatanggap ako ng sulat galing sa aking amang mahal.
Florante: (habang binabasa) Mahal kong Florante, marapat lamang na ika’y umuwi na dito sa Albanya dahil ang iyong ina ay sumalangit na. Hindi ko ninais na ika’y masaktan sa aking pinadalang liham ngunit, sana ay maintindihan mo ang mga pangyayaring naganap sa bayan natin. Nagmamahal, ang iyong ama.
(hinimatay)
NVNF: 2 oras akong hindi nagkamalay.
(pgkgcng)
Kaklase: Nakikiramay kami sayo sa pagpanaw ng iyong ina. Ganyan talaga ang buhay. Dapat ka ng masanay. Marami ka pang problemang mararanasan.
Florante: Kahit gusto ko nang bumalik sah Albanya ay hindi maari. Kelangan ko pang magsanay dito sa Atenas.
Antenor: Kung yan ang desisyon mo, iginagalang nami yun. Papadalhan na lang namin ng liham ang iyong ama.
Florante: Maraming salamat po.
NVNF: Makalipas ang 2 buwan ay may natanggap ulit ako ng liham galing sa aking ama.
Florante: (binabasa) Mahal kong Florante, sana naman sa pagkakataong ito ay ikaw ay bumalik na dito sa Albanya. Ang kaharian ng iyong ina ay sinasalakay na ng hukbo ng Persyanong si Heneral Osmalik. Gampanan mo na ang tungkulin mo. Nagmamahal, ang iyong ama.
Antenor: Sa pagkakataong ito ay dapat ngang bumalik ka na sa Albanya.
Florante: Oo nga po. Nasa panganib ang kahariang Crotona ng aking ina. Pupunta ako sa Crotona upang makipaglaban.
Antenor: Isasama ko sa’yo ang aking pamangkin na si Menandro. Alam kong kayo ay matalik na magkaibigan.
Menandro: Sige po, sasama po ako sa kanya.
Antenor: magiingat kayo huh. Lalo na kay Adolfo. Gagawa at gagawa yun ng paraan para mapatay ka.
Florante at Menandro: Sige po. Paalam po.
Antenor: Paalam din!
(sumakay na)
NVNF: Habang ako ay nasa palasyo pa lamang ay nakilala at naakit ako sa kagandahan ni Laura anak ng hari.
(labing labing si Florante at Laura)
NVNF: Nakipag laban ako kay Heneral Osmalik ng 5 oras.
(naglaban taz natalo si Heneral Osmalik)
NVNF: 5 buwan pa ako nanatili sa Crotona. Sabik na sabik na akong makita si Laura. Pagbalik ko sa Albanya ay nakita ko ang bandila ng Persiya na nakawagayway at maraming moro na pinamumunuan ni Aladin.
(may pupugutan)
Aladin: hahaha..! Dapat ikaw ay pugutan!
Babae: Wag po! Wala naman po akong ginagawang masama!
Florante: Hoy! Itigil mo yan!
(naglaban)
NVNF: nailigtas ko ang kaharian namin laban sa mga Moro at napakawala na din ang aking ama, Haring Linceo at si Adolfo.
NVNF: Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya. Buti na lamang ay naagapan ko. 17 hari ang aking napasuko.
NVNF: Habang nasa Etolya ako ay nakatanggap ako ng sulat na nagsasaad na maagang pagbalik sa Albanya na galing sa Albanya. Hindi ko akalain na pagdating niya ay dinakip agad ng 30,000 sandatahan ay dali-daling ikinulong sa bilangguan. Ang lahat pala ng naganap sa palasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay pakana ni Adolfo. Ikinulong ako ng 18 na araw pagkatapos ay ipinag-utos na igapos ako sa gubat para kainin ng mga mababangis na hayop. 2 araw na ako dito mula ng makita mo ako.
Aladin: Ako naman ang magkukwento sayo ng aking mga pinagdaanan. Ako si Aladin. Prinsipe ako ng Persya. Anak ako ni Sultan – Ali – Adab. Napunta naman ako dito sa kagubatan dahil sa sama ng loob ko sa aking ama dahil sa pag – agaw niya sa aking minamahal na si Flerida. Upang masarili ng aking ama si Flerida ay humanap ito ng buyas upang ako ay maparusahan. Ginawang dahilan nito ang pagkaiwan ko sa hukbo at sa pagbawi mo sa Albanya. Hinatulan ako ng na pugutan ng ulo. Subalit hindi natuloy ito sapagkat nang gabing iton ay pinatapon ako sa malayong lugar ay pinagbilinang kung nais ko pang mabuhay ay huwag na ako magbalik sa Persya kailanman. Kaya simula noon ay 6 na taon na ako naglalagalag.
Narrator: Habang nagkukuwentuhan sina Florante at Aladin ay may narining silang nag-uusap na 2 babae.
Florante: Sino kaya iyon?
Aladin: Pano kaya nagkaroon ng babae dito sa gubat na ito?
Florante: tara hanapin natin.
Aladin: Sige.
(habang naguusap si Flerida at Laura)
Flerida: nang malaman kong papupugutan ang aking kasintahang nasa bilangguan ay pumayag na akong pakasal sa Sultan.
(flash back)
(habang pupugutan si Aladin)
Flerida: Tama na! Magpapakasal na ako sayo! Pakawalan mo lang si Aladin!
Ali – Adab : Sigurado ka? Sige pakakawalan ko na siya. Basta tuparin mo lng pangako mo.
Flerida: (--speechless--)
Narrative Voice ni Flerida: Nang gabing din iyon ay nagbalatkayo akong gerero at tumakas. Dumaan ako sa bintana. Marami na ring taon ako naglilibot hanggang magtagpo tayong 2 sa gubat.
Narrator: Nagkita na ang dalawang pares sa kagubatan. Ang mapanglaw na gubat ay naging paraiso para sa kanila.
Florante: Laura, paano naman kayo nagkita ni Flerida?
Laura: Tinangka akong halayin ni Adolfo...
(flash back)
Adolfo: hahaha! Akin ka na! Magkakaroon na tayo ng anak!
Laura: Ang kapal ng muka mo! Kahit kailan ay hindi ako magpapagalaw sayo! Bastos!
Adolfo: Punta tayo sa gubat!
(kinaladkad si Laura papuntang gubat)
Laura: tulungan niyo akoooo!
NVNL: Nakita ako ni Flerida habang pinagtatangkaan ni Adolfo. Salamat kay Flerida at ako ay naligtas sa maruming kamay ni Adolfo.
(pinana ni Flerida)
Laura: Salamat sa iyo.
Flerida: Walang anuman.
(back 2 normal)
Laura: Ang aking amang hari at ang iyong amang duke ay pinugutan ni Adolfo ng ulko kasama ang mga kabig nito. pinadalhan kita ng sulat upang ipakatid ang nangyari sa Albanya subalit ang natanggap mo na sulat ay sa hari na mahigit na nagbibiling umuwi ka sa Albanya. Ito ang naging paraan kung paano ka nadakip.
Narrator: Habang nag-uusap ang 4 ay siya namang pagdating ng hukbo ni Menandro na ang hanap ay si Adolfo. Nagsigawan ang hukbo nang nalaman buhay si Florante at Laura.
Narrator: Hindi nagtagal at nakasal ang 2 at naging hari at reyna sa Albanya. Samantala sina Aladin at Flerida, matapos magpabinyag ay pinag-isang dibdib at umuwi sa Persya upang doon mamuno sa sariling bayan.
sobrang haba hahaha
ReplyDeletetHank u
ReplyDeletepara sa play namin to...
tHank u
ReplyDeletepara sa play namin to...
Hi! I'm the one who wrote this script back when I was in HS. Haha sobrang tagal na pala nito (at nalimutan ko na acct ko rito haha). Thanks for the appreciation :) hope you'll have (or you had) a wonderful play.
DeleteThank you sonmso
Deletebkt wala si flerida parang di kumpleto talaga yan ah pero thanks by the way
ReplyDeleteKumpleto po talaga yan haha required sa amin dati na buong kwento eh :)
Deleteoh wait neron pala sorry and thanks
ReplyDeleteHi! I'm the one who wrote this script back when I was in HS. Haha sobrang tagal na pala nito (at nalimutan ko na acct ko rito haha). Thanks for the appreciation :)
DeleteHI PO PWEDENG MAG REQUEST?SAINYO NANG SCRIPT NANG FLORANTE AT LAURA ? YUNG SA ARALIN 1-14 LNG PO
DeleteAmbobo naman nito. Paki ulit nga with feelings. Galingan nyo naman ang pagsulat. Suck ma dick. suntukan na lang. Punta ka rito Lot 1-O brentville subdivision, duhat drive, kidapawan city.
ReplyDeleteHi! I know nasa "free script" blog to pero wala naman sigurong harm if magpapaalam kami right? Do you think pwede po naming mahiram ung script for a school play (may or may not be a film) of Florante at Laura. Also, we'll alter it a bit to our own likings kung papayagan nyo. We just dont want complications so if it's okay to you that will be really really helpful. Thanks!
ReplyDeleteAralin 1-26 po yan? Kasi ang haba Hahaha
ReplyDeletelamat lods para dito makaktulong to sa assignments ko!
ReplyDeleteWow,thank you po hihi
ReplyDelete