Noli Me Tangere

Noli Me Tangere

SCENE 1 Isang Salu-salo
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiyago nuong isang araw sa Oktubre. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anloague na karatig ng Ilog-Binondo. Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mga bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina Tinyente Guevarra , Padre Sibyla, isang dominicong pari, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano.

PADRE DAMASO: Alam niyo ba na karamihan sa mga Indiyo ay mangmang?

LARUJA: Padre Damaso, nasa tahanan tayo ng isang Indiyo!

PADRE SIBYLA: Baka masaktan mo si Kapitan Tiyago.

DAMASO: Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya’y hindi isang Indiyo. Inuulit ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo!

Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra.

TIYAGO: Mga kaibigan, malugod kong ipinakikilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong ito...ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kararating lamang niya mula sa Europa.

CRISOSTOMO: Buenos Noches Amigos. Sa mga kura sa aking bayan...at sa matalik na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso ...patawarin po ninyo ako sa aking pagkamamali.

DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanma’y hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.

TINYENTE: Ikaw na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra?

CRISOSTOMO: Sa inyong lingkod, Señor Tinyente.

TINYENTE: Maligayang pagdating. Nawa’y mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama.

CRISOSTOMO: Ano po ba ang nangyari sa aking ama?

(walang sasagot... biglang dadating ung utusan)

UTUSAN: Nakahanda na po ang hapunan!

Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan. Hindi sinasadyang naapakan ni Tinyente Guevarra ang laylayan ng bestida ni Donya Vidtorina.

VICTORINA: Wala ka bang mga mata?

TINYENTE: Mayroon po, Señora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako ay nakamasid lamang sa kulot ninyong buhok.

Sa hapagkaianan...

LARUJA: Señor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, ano’ng pinakamahalagang bagay ang nakita n’yo?

CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito

DAMASO: Nagawa mong gastusin ang iyong yaman para sa mga walang kwentang bagay? Wala ka na bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata’y alam iyan.

CRISOSTOMO: Nagpapasalamat ako’t palagay ang loob ng dating kura sa akin . Nawa’y ipagpaumanhin ninyo ako. Kailangan ko na po umalis. nanggaling pa ako sa mahabang biyahe at marami pa akong aasikasuhin. Para sa España at Pilipinas!

TIYAGO: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara

CRISOSTOMO: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin.

Nakaalis na nga si Ibarra.

PADRE DAMASO: Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa!



SCENE 2 Erehe at Pilibustero
Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siya’y naglalakad. Bigla siyang napahinto nang may kamay na pumatong sa kanyang balikat.

CRISOSTOMO: Bakit kaya namatay ang aking ama? Ano kaya ang dahilan? (sa sarili)

TINYENTE: Señor Ibarra.

CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako.

TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang naging kapalaran ng inyong ama.

CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong ikuwento sa akin?

TINYENTE: Hindi niyo po ba alam? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng bilangguan.

CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Baka naman kayo’y nagkakamali lamang.

TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso.

CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong ikuwento sa akin ang buong pangyayari? Bakit at paano po siya nakulong?

TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng buwis. Nang siya’y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Flashback:

Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan siya ng mga bata.

nagpaparinig...

BATA 1: ganito ba ang pagbabasa?!?! Ha! Ha! Ha!

BATA 2: Hindi! Ano ka ba?!?! Ganito oh! Ha! Ha! Ha!

BATA 1: A – e – i – o – u..! ba – be – bi - bo - bu! Ha! Ha! Ha!

BATA 2: Hindi ba’t hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis at papel niyang dala? Ha ha ha!

KOLEKTOR: Tigilan n’yo nga ako! Baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo! Ano’ng sabi n’yo?

Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at ito’y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.

KOLEKTOR: Ikaw, ano’ng sabi mo?!

BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh—

RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila!

Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito’y nawalan ng balanse.

RAFAEL IBARRA: Ang mga bata ay hindi dapat sinasaktan!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Nagsisulputan ang kanyang mga lihim na kaaway. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.

IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko...



SCENE 3 Pangarap Sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynila) Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.

Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.

Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat.

Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang naktulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.

NARRATIVE VOICE NI CRISOSTOMO: Diyos ko! Namatay pala ang aking ama habang ako ay nagpapakasaya. Nagpakahirap siya sa bilangguan habang ako ay nagliliwaliw! Sana ay nasulyapan ko man lang siya. Sana ay hindi siya masyadong naghirap...



SCENE 4 Si Kapitan Tiyago
(scene para za mga chismosa^^)

CHISMOSA 1: Kilala mo ba si Kapitan Tiyago?

CHISMOSA 2: Syempre naman! Sinu ba ang hindi makakakilala dun eh ang yaman yaman nun.

CHISMOSA 3: Sinu ba naman ang hindi yayaman, eh napakarami niyang negosyo at ang dami niyang ari-arian.

CHISMOSA 1: Di lang pala sa Binondo yan sikat. Kwento kasi ng pamangkin ko sa Laguna, sikat din yan!

CHISMOSA 4: Ala e.. Pati sa probinsya ko dun sa Pampanga eh sikat yan eeee.. (pampanggenio)

CHISMOSA 2: Sobrang yaman naman pala talaga niya. Sa sobrang kayamanan niya, turing na niya sa kanyang sarili ay isang Kastila.

CHISMOSA 3: Ou nga eh. Alam niyo ba na nagpapamisa at nagpapadasal siya tungkol sakanyang sarili?

CHISMOSA 4: Ala ehhhh... Syempre naman alam namin iyon noh! Eh halos matatamo na niya ang kalangtan eh.

CHISMOSA 1: Dahil sa kanyang pagpupula sa mga Pilipino, siya ay naglilingkod bilang gobernadocillo.

CHISMOSA 2: Basta opisyal, sinusunod niya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip din siya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi siyang mayroong handog na regalo.

CHISMOSA 3: Pero alam niyo ba dati, kuripot na mangangalakal ng asukal si Kapitan Tiyago sa Malabon!

CHISMOSA 4: Ala ehh... Di ko alam iyon ah!

CHISMOSA 1: Kawawa ka naman at hindi mo alam iyon. Di nga siya pinagaral ng kanyang ama dahil sa kakuriputan eh.

CHISMOSA 2: Nang mamatay ang kanyang ama, mag-isa siyang nangalakal. At nakilala niya si –

CHISMOSA 3: Pia Alba! At dahil kay Pia Alba, ayun, yumaman si Tiyago.

CHISMOSA 4: Ala eh.. Si Pia Alba, di ba asawa niya iyon? Ala eh.. Baog yun di ba?

CHISMOSA 1: Loka, di siya baog! Kahit anim na taon na nagpapakahirap ang mag-asawa na iyon na mamanata kung saan-saan, nagkaanak talaga sila.

CHISMOSA 2: Balita ko nung ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta para mamintakasi kina San Pascual Bailon at Santa Clara at sa Ina ng Salambaw, nagkaanak sila.

CHISMOSA 3: Oo. Si Maria Clara. Ang gandang dalaga niya! Para ngang hindi anak ni Tiyago eh. Hindi kasi niya kamuka.

CHISMOSA 4: Ala ehh... Anak pala ni Pia Alba si Maria Clara. Akala ko ehh ay anak siya ni Isabel.

CHISMOSA 1: Huling huli ka pala sa balita noh? Si Isabel, tiya niya iyon. Pinsan ni Tiyago. Siya na ang nagalaga kay Maria dahil namatay si Pia nuong sinilang niya si Maria.

CHISMOSA 2: Si Crisostomo Ibarra pala ang nakatoka na ikasal sa kanya. Nuong katorse anyos kasi si Maria, pinasok siya sa beaterio ng Santa Catalina at napagkasunduan ni Tiyago at Crisostomo na magpakasal silang dalawa ni Maria.

CHISMOSA 3: Ang kisig na lalake ni Crisostomo noh. Gwapo pa!

CHISMOSA 4: Ala ehh... Siya yung bagong dating na binata galing sa Europea di ba? Ala ehh.... Eto lang ang masasabi ko: BAGAY KAMI!!

CHISMOSA 1: Ang tanda tanda na, ambisyosa pa rin!

CHISMOSA 2: Tara uwi!

CHISMOSA 3: Sige! Paalam!!!!



SCENE 5 Pagsusuyuan sa Asotea
MARIA CLARA: Bakit kaya wala pa siya?

Sinilip ni Maria Clara ang bintana upang makita kung sino ang dumating. Nang nakita niya si Crisosotomo ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid at nagpaganda. Pumasok naman si Crisostomo at siya’y sinalubong ni Tiya Isabel.

MARIA CLARA: (sa sarili) Ayan na pala si Crisostomo! (kinikilig)

CRISOSTOMO: Magandang araw po, Tiya Isabel.

TIYA ISABEL: Magandang araw din sa iyo iho.

CRISOSTOMO: Nandito po ba si Maria Clara?

TIYA ISABEL: Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandali.

Si Tiya Isabel ay kumatok sa pinto ng silid ni Maria Clara.

TIYA ISAEL: Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito.

MARIA CLARA: Pasok po kayo, tiya.

TIYA ISABEL: Iha, nariyan na si Crisostomo. Paghihintayin mo pa ba siya?

MARIA CLARA: Hindi na po, Tiya.

Lumabas si Maria Clara.

CRISOSTOMO: Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara.

Nagtungo silang dalawa sa Asotea.

MARIA CLARA: Hmp! Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga salita. Marahil, maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa pambobola mo.

CRISOSTOMO: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang?

MARIA CLARA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo?

CRISOSTOMO: Mapalad dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa pinakamagandang dilag na ngayon ay nasa aking harapan.

MARIA CLARA: Asus! Binola pa ako.

CRISOSTOMO: Labis akong nangulila sa iyo, Maria.

MARIA CLARA: Higit akong nangulila, Crisostomo.

CRISOSTOMO: Patawarin mo ako kung ako’y magpapaalam na. Kailangan ko nang umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli, mahal ko.

MARIA CLARA: Sandali.

Pumitas ng mga bulaklak si Maria Clara at ibinigay ang mga ito kay Crisostomo.

MARIA CLARA: Ialay mo ang mga ito sa iyong mga magulang.

CRISOTOMO: Maraming salamat, mahal ko.

Lumakad na si Ibarra.

MARIA CLARA: Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo.



SCENE 6 Araw ng mga Patay
May dalawang lalaking naghuhukay sa sementeryo.

LALAKI 1: Sinunod mo ba ang utos niya?

LALAKI 2: Huwag ka ngang tanong ng tanong! Maghukay ka na lang diyan.

LALAKI 1: Ayoko na! Suko na ako! Ayoko nang maghukay! May dugo pa ang bangkay na ito!

LALAKI 2: Aba’y napakaarte mo naman! Syempre may dugo pa iyan! 20 araw pa lamang iyan nakalibing.

Dumating na sina Crisostomo at ang kanyang alalay.

CRISOSTOMO: Nasaan ba?

ALALAY: Sa likod po ng malaking crus, senyorito.

CRISOSTOMO: Dito ba?

ALALAY: Ngunit…hindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko.

Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong.

ALALAY: Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito?

LALAKI 2: Ah, iyong malaking krus? Sinunog ka na iyon.

ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon?

LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura.

CRISOSTOMO: At anong ginawa mo sa bangkay?!

LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga Intsik.

CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?!

LALAKI 2: ‘Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan pa nang gabing iyon kaya…itinapon ko na lamang ito sa ilog.

CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa!

Lumakad si Crisostomo at nang nakita niya si Padre Salvi, sinunggaban niya ito.

CRISOSTOMO: Ano’ng ginawa mo sa aking ama?

SALVI: Nagkakamali ka. Wala akong ginawa sa—

CRISOSTOMO: Ano’ng wala?

SALVI: Hindi ako! Tinitiyak ko sa’yo. Hindi ako, kundi sa Padre Damaso.

Binitiwan siya ni Crisostomo at tuluyan ng lumayo.



SCENE 7 Si Pilosopong Tasyo
(chismosa ul8)

dumaan sa harapan ng mga chismosa si Pilosopong Tasyo...

CHISMOSA 1: Kilala niyo ba si Don Anastacio??

CHISMOSA 2: Sino ba yan?

CHISMOSA 3: Di mo alam, si Tasyong Baliw yan!

CHISMOSA 1: Wag niyo siyang tawaging Tasyong Baliw! Pilosopong Tasyo – pwede na iyon.

CHISMOSA 2: Balita ko, anak mayaman pala siya. Di lang pinatuloy ng kanyang ina ang kanyang pagaaral kasi baka makalimutan manalig sa Diyos.

CHISMOSA 3: Tumigil nga magaral, basa naman ng basa ng libro. Ayan tuloy parang may toyo ang utak.

CHISMOSA 1: Wag niyo siyang mamaliitin. Kahit ganyan siya, matalino na.

CHISMOSA 2: Alis na nga tayo.. Marinig pa niya na pinaguusapan natin siya!

CHISMOSA 3: Ou nga.. Tara..

end scene ng mga chismosa

masayang masaya si Tasyo.. Kulang na lang ay sumayaw siya sa tuwa...

TAO 1: Bakit po tila masang masaya kayo eh matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit. Malapit na po ang unos.

PILOSOPONG TASYO: Alam mu ba kung bakit? Ang pagdating ng bagyo ang siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon ko ng hinihiling sa bawat kapitan na bumili ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang. Paputok at kuwitis lamang ang binili nila para sa akin.

TAO 1: Di ba po ayon sa agham, ang batignaw ng kampana ay mapanganib kapag kumukulog? Bakit di niyo po sumukan.

PILOSOPONG TASYO: Sinubukan ko na iyan. Pinabayaran lamang sa akin ang bawat dupikal ng kampana. Sige, alis na ako baong kaibigan. Pupunta na ako sa simbahan. Hanggang sa uulitin!

TAO 1: Sige po, paalam!

nasalubong ni Pilosopong Tasyo sila Crispin at Basilio...

PILOSOPONG TASYO: Mga bata, alam ba ninyo na ipinaghanda kayo ng inyong ina ng hapunang pangkura?

CRISPIN: Nako po, Hindi po yata totoo yan eh..

BASILIO: Oo nga po. Pero kung totoo po, sa susunod nalang po ulit..

PILOSOPONG TASYO: Sige, aalis na ako. Pupunta lang ako sa bayan para bisitahin ang mag-asawang Filipo at Doray.

2 BATA: Sige po, paalam!

sa bahay ni don filipo...

DON FILIPO: Magandang araw po Don Anastacio.

PILOSOPONG TASYO: Magandang araw din sa inyo.

DON FILIPO: Nakita niyo po ba si Crisostomo Ibarra sa sementeryo kanina?

PILOSOPONG TASYO: Oo. Nakita ko siyang pababa sa kanyang sinasakyan na karwahe. Naramdaman ko ang naramdaman ni Ibarra nang hindi Makita ang libing ng ama.

DON FILIPO: Bakit naman po?

PILOSOPONG TASYO: Sapagkat ako ang isa sa anim na tao na nakipaglibing kay Don Rafael.

ALING DORAY: Nasa purgatoryo na kaya ang kaluluwa ni Don Rafael? (habang nagbabasa ng libro)

PILOSOPONG TASYO: Hindi ako naniniwala diyan sa purgatoryo na iyan. Ngunit mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.

ALING DORAY: Ang lakas na po ng ulan. Baka bumaha na sa daan.

PILOSOPONG TASYO: Aalis na ako. Sige, paalam na.

MAG-ASAWA: Sige po, paalam na!!



SCENE 8 Ang Dalawang Sakristan
Nangangampana ang dalawang sakristan na sina Basilio at Crispin.

BASILIO: Magpahinga na muna tayo Crispin.

Naupo silang dalawa sa may sulok.

CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya?

BASILIO: Dalawang piso, bakit ba?

CRISPIN: Kaya mo bang bayaran ang sinasabi nilang halaga na ninakaw ko?

BASILIO: Ayos ka lang ba Crispin? Diba’t tatlumpu’t dalawang piso ang binibintang nila sa iyo? Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan.

CRISPIN: Ngunit inosente ako sa binibintang nila! Wala akong ninakaw. kuya…Kapag nalaman ‘to ng Inay...natatakot ako. Kahihiyan ng ating pamilya ito.

BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. ‘Wag kang mawalan ng--

Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor.

SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng kampana…At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo!

CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw.

SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa!

Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si Basilio sa kapatid.

BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n’yo na po—

Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito’y hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila si Crispin at ito’y ikinaladkad pababa ng hagdan.

CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako!

BASILIO: Crispin…

Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng kampana.



SCENE 9 Ang Pamilya ni Sisa
Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak.

SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya naghanda ako ng masarap na pagkain...

Biglang dumating ang lasing na si Pedro.

PEDRO: May makakain ba? Gutom na ako!

SISA: Mayroon.

PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo’t kuakalam na ang sikmura ko!

SISA: Ahh- Oo. Narito na.

Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain.

SISA: Wala nang natira? Ngunit paano’ng mga anak mo?

PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?!

SISA: Wala. Wala—

PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon?

SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila—

Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa.

SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin?

PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto! Wag mo akong diktahan! Sino ka ba para diktahan ako?!?!

At umalis na nga si Pedro.

SISA: Kawawang mga anak ko. Magsasaing na lamang ako ulit.

Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio.

BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay!

SISA: Basilio! Anak ko! Anon’ng nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak? Ano nangyari sa noo mo?

BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po—

SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya?

BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang nagnakaw.

SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating magdusa?

BASILIO: Inay…

SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko.

BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay.

SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama.

BASILIO: Dumating si Itay?

SISA: Oo.

BASILIO: Inubos po niya lahat ng niluto mo at umalis din siya agad, hindi po ba?!

SISA: Basilio!

BASILIO: Patawad po, Inay.

Isinara ni Sisa ang pinto at siya’y napabuntong-hininga. Natulog na silang mag-ina.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
panaginip ni Basilio:

si Crispin ay pilit na ipinagtatanggol ang kaniyang sarili mula sa sacristan mayor, ngunit sa kasawiang palad nang hampasin ng baston si Crispin bumulwak ang dugo sa ulo ni Crispin at nahandusay.

SACRISTAN MAYOR: Ano! Ganyan ang napapala ng mga batang magnanakaw!

CRISPIN: Hindi po ako magnanakaw... Nagkakamali po kayo.. Parang awa niyo na..

SACRISTAN MAYOR: Aba’y magsisinungaling ka pa!

CRISPIN: Hindi naman po talaga... kahit mahirap kami, hindi ko po nanakawin iyon!

SACRISTAN MAYOR: Wag ka nang magdahilan! Ha! Ha! Ha! Eto bagay sa’yo!

CRISPIN: Tulungan niyo ako-- (nawalan ng malay)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BASILIO: (naiyak)

SISA: Basilio anak, gumising ka. Ano nangyari sa iyo?

BASILIO: Inay, ayaw ko na po magsakristan! Sunduin niyo na po si Crispin at hingin ang kanyang suweldo. Magpapastol na lang po ako ng mga baka ni Don Crisostomo Ibarra. Hihingi din po ako ng tulong sa kanya upang makapagaral si Crispin at makapagsaka ako.

SISA: Maganda iyang plano mo. Bukas ay susunduin ko na si Crispin.

BASILIO: Salamat po inay.

SISA: Bakit di man lang niya sinali ang kanyang ama sa kanyang plano??



SCENE 10 Ang Pagkabaliw ni Sisa
Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan.

UTUSAN: Ale, para saan ‘yang mga dala mo?

SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap.

UTUSAN: Ano ba ang nais mong ipahatid sa kura? May sakit kasi ito ngayon.

SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin. Susunduin ko sana ngayon.

UTUSAN: Crispin? Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak.

SISA: Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko. Hindi magnanakaw ang mahal kong Crispin!

KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! ‘Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama na sugarol!


Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil.

GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw?

SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.

GUARDIA CIVIL: ‘Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin!

SISA: Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin. Kaya po ako pumunta sa kura ay upang sunduin siya. Ngunit, ‘ni hindi ko man lang siya nasilayan...

GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak!

SISA: Señor, kahit pa minsang nagugutom at naghihirap ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw, maniwala kayo. Inosente po sila!

GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan ang iyong pinipilit, ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila.

SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n’yo na, ‘wag n’yo po akong ikulong…

Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel.

GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo!

Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa.

ALPERES: Kasalanan ‘yan ng kura! Pakawalan n’yo siya at ‘wag n’yo na siyang gagambalin pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n’yo sa kanya na manalangin siya kay San Antonio! Walang ginawang masama ang babaeng iyan!

Agad nilang pinakawalan si Sisa.

GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa’yo! Ha! Ha! Ha!

Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay.

SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo? Crispiiiiin.... Basiliiiiiiiiiiiiiiooooooooo...

May nakita siyang damit na duguan.

SISA: Ano ‘to? Damit ni Crispin? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako’ ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo!

At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa.




SCENE 11 Karanasan ng Isang Guro
pumunta sa lawa si Ibarra at ang guro...

CRISOSTOMO: Saan po ba tinapon ang bangkay ng aking ama?

GURO: Dito. Kasama po si Tenyente Guevarra nuong tinapon ang bangkay. Wala naman po akong ginawa kundi makipaglibing na lamang. Malaki talga ang utang na loob ko ay Don Rafael. Siya ang tumustos ng aking pangangailangan sa pagtuturo nuong bagong salta pa lamang ako sa San Diego.

CRISOSTOMO: Ganun ba?

GURO: Opo. Kulang po kasi sa libro. Nahihirapan po ang mga bata. Wala ding silid aralan kaya ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.

GURO: Napaka pakelamero po ni Pari Damaso. Tagalog lang daw ang dapat namin matutunan, hindi Kastila. Ipinaris pa niya ako kay Maestro Circuela—

CRISOSTOMO: Teka teka, sino si Maestro Circuela?

GURO: Isang siyang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Nang huminto ako sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo, ipinatawag ako ng kura upang ipabalik sa akin ang pagamit ng pamalo sapagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa aking kalooban, sumunod din ako sapagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo.

CRISOSTOMO: Ngayon na hindi na si Pari Damaso ang kura, nabuhayan ka na ba ng loob sa pagtuturo?

GURO: Opo! Nagkasakit po kasi ako nuon dahil sa sama ng loob. Pagbalik ko, konti na lamang ang aking tuturuan. At si Pari Salvi na ang kura. Maliga po talaga ako.

CRISOSTOMO: Salamat po sa pagturo ng bagkay ng aking ama. Salamat din sa pagkukwento ng iyong mga suliranin. Hayaan mo, sa susunod, tutulungan kita.

GURO: Walang anuman po iyon. Sige po, alis na tayo dito.

CRISOSTOMO: Sige po. Tara na po sa pulong sa tribunal...



SCENE 12 PAGPUPULONG
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang dumating sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang pagpupulong.

DON FILIPO: Hay nako! Ano ba naman ang tinyente mayor at kapitan dito! Malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na.

KAPITAN BASILIO: Pasyensya na po. Pero ako, si Kapitan Basilio na nakalaban nuon ni Rafael Ibarra ay hindi aatras sa laban! Gagawin ko ang lahat para maging masaya ang piyesta!

MGA TAO: ano daw, anu daw!? ano daw??!!

DON FILIPO: Ganito na lang kasi, mungkahi ko na magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000. Di ba magandang ideya?

TAO 1: Masyadong mahal iyan!

TAO 2: Oo nga!’Di naman kailangan ng malaking halaga para magsaya sa piyesta di ba?

TAO 3: Tama! Mga kasama, sang-ayon ba kayo sa mungkahi ni Don Filipo?

MGA TAO: Hindi..!

DON FILIPO: Sige, kung ayaw niyo, kayo na ang msusunod. Nirerespeto ko ang desisyon ng karamihan.

TAO 4: Salamat naman po.

KABISA : Meron akong mungkahi. Ano kaya kung tipirin natin ang pagdiriwang. Wag tayong magpaputok kasi baka may masaktan. Ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.

KAPITAN: Maganda sana ang iyong mungkahi. Ang kaso, tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista.

KABISA: Bakit, ano ba ang napagpasyahan ng kura?

KAPITAN: Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo.

KABISA: Mga kasama, sang-ayon ba kayo sa pasya ng kura?

CONSERBADOR: Kung iyon ang pasya ng kura, sige, payag kami.

TAO 5 : E yung Liberal, payag pa kayo?

LIBERAL REPRESENTATIVE: Kung payag ang Conserbador, sige, pagay na din kami.

DON FILIPO: Kung gayon ay tapos na ang usapang ito..

CRISOSTOMO: Guro, sana ay iyong maintindihan ngunit kailangan ko na pong umalis dahil may lalakarin pa akong importanteng bagay.

GURO: Naiintindihan kita. Sige, paalam na.

CRISOSTOMO: Paalam na din po!



SCENE 13 Ang Pangingisda

Si Maria Clara ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan.

SINANG: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra?

MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong “kami” ni Ibarra?

VICTORIA: Hindi ba’t kararating lamang niya?

MARIA CLARA: Oo…sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming mangingisda…

MGA KAIBIGAN: Ayeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.........

IDAY: Kailan ba ang kasalan? Ha! Ha! Ha!

NENENG: Imbitahan niyo kami ahh..

MARIA CLARA: Di ko pa alam ang eksaktong petsa ng kasal. Pero syempre, imbitado talaga kayo! Kayo pa!

Hindi katagalan…

MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo.

IBARRA: Maaari na ba tayong umalis, mahal ko?

MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo, sige, tara na...

Sa palaisdaan…

ELIAS: Señorita Maria Clara, saan po ninyo gustong pumunta?

MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba?

ELIAS: Naku hindi po, señorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon.

ALBINO: Tapakan mong mabuti ang pasal sa butas upang hindi pumasok ang tubig. Maraming butas ang bangkang ito.

MGA BABAE: Lulubog na tayo! (panic)

Dahil sa pagyayari, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lalake na makatabi sa kani-kanilang kasintahan.

KAPITANA TIKA: Wala nang sasarap pa sa salabat kung iinumin sa umaga bago magsimba!

ALBINO: Talaga po? Bakit naman?

KAPITANA TIKA: Albino, uminom ka ng salabat upang lalo kang sumipag magdasal. (tumawa)

LAHAT: (tumawa)

MAGULANG 1: Victoria, kantahin mo naman ang “Kundiman ng Pag-iisang dibdib”

LALAKI 1: Wag niyo po siya pakantahin!

LALAKI 2: Oo nga po. Baka kumulog..

(tumawa cla)

VICTORIA: Yabang niyo naman (pabiro). Di ko rin po kayang kumanta sapagkat namamalat ang aking lalamunan.

IDAY: Kung gano’n ay si Maria Clara na lang ang kakanta...

MARIA CLARA: Lahat ng aking awit ay malungkot.

LAHAT: Hindi bale, hindi bale!

at umawit na nga si Maria Clara...

SINANG: Ang suwerte mo! Ang galing mo umawit..

MARIA CLARA: Salamat..

habang sila ay naguusap ay may narinig silang kalabog...

MARIA CLARA: Ano iyon?

ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po.

NENENG: Ah kahoy lamang pala.

IBARRA: Kahoy pa rin ba iyon?

ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko— Isang buwaya!!!

MARIA CLARA: May buwaya!

ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya na iyan!

MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya!

IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya.

MARIA CLARA: Ibarra!

Makalipas ang ilang sandali.

MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila.

TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila!

ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Señor Ibarra. Balang araw, kapag kailangan ninyo ng tulong, tutulungan ko kayo blang pagtanaw ng aking utang na loob.

KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka!



SCENE 14 Paghingi ng Payo

Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego.

CRISOSTOMO: Don Anastacio, ano po ba ang puwede niyong ipayo sa aking pagpapatayo ng eskwelahan?

PILOSOPONG TASYO: Kung ako sa’yo, isangguni mo sa kura ang iyong plano. Bukod pa doon ay kailangan mong sumangguni sa iba pang makapangyarihan sa bayan.

CRISOSTOMO: Hindo po maari iyang plano niyo. Mabuti ang aking layunin kaya’t tiyak ko na magtatagumpay ito sa tulong ng ilang matitinong tao sa bayan.

PILOSOPONG TASYO: Hindi ka maaaring makibagay sa pari at iba pang makapangyarihan. Dapat ay wag ka na lang magpatayo ng paaralan.



SCENE 15 Ang Piyesta
Abala ang lahat sa paghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa malalaki at maliliit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansi sa mga lansangan sinabitan ng mga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga banda ng musiko. Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin paa sa isang malakasang sugalan ang mayayaman. Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni Crisostomo Ibarra. Gayon na lamang ang paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na proyekto niyon. Tanging si pilosopong tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong pangitain niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga. Tumingkad ang gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob. Pinaunayan ito ng iba’t ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal.



SCENE 16 Ang Panghugos

Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay paaralan na itatayo ni Ibarra.

GOBERNADOR: Señor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng bato.

IBARRA: Ikasisiya ko po, gobernador.

Lumapit si Ibarra sa malaking bato upang ilagay ang palitada.

IMBENTOR: Isang maling galaw mo lamang, tiyak patay ka.

Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at ito’y namatay. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita.

IBARRA: Ano’ng ibig-- Elias?

ELIAS: Mag-iingat kayo, Señor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo. Saka ko na lamang sasabihin sa inyo ang lahat.

Tumakbo palayo si elias.

IBARRA: Sandali—Ano’ng nangyari sa taong ito?

TAUHAN: Muntik na kayong patayin ng taong iyan!

GOBERNADOR: Ngunit siya rin ang nabiktima sa masama niyang balak.

IBARRA: Kung gano’n, ako na lamang ang magpapalibing sa kanya.

TAUHAN: Paumanhin Señor Ibarra, ngunit hindi ba’t pinagtangkaan niya ang inyong buhay?

IBARRA: Oo nga, ngunit...siya ang nasawi. Ano pa bang parusa ang dapat niyang matanggap? Pinapatawad ko na siya.

KABABAIHAN: Ang bait-bait talaga niya. Mabuhay ka, Crisostomo Ibarra!



SCENE 17 Ang Pananghalian
Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay Ibarra.

IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan?

MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko.

Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura.

DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba’y akalain mong sino kung umasta!

MARIA CLARA: ‘Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko.

IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan.

DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan…

IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa!

DAMASO: ...tama lamang na siya’y pinarusahan na mamatay sa kulungan at--

Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim.

IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit ‘wag na ‘wag ninyong babastusin ang alaala ng aking ama!

KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo.

IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n’yo nasabing siya’y alagad ng Diyos? Ang taong ito ang naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos?

MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, ‘wag mong saktan si Padre Damaso.

Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso.

IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n’yo na kung may dugo ba talagang dumadalo’y sa mga ugat ng taong iyan!

Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara.



SCENE 18 Si Donya Consolacion at Sisa
Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil.

CONSOLACION: Mga guardia civil!

GUARDIA CIVIL: Bakit po Señora?

CONSOLACION: Sino iyang kumakanta?

GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw.

CONSOLACION: Dalhin n’yo siya rito.

GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Señora.

Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa.

GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Señora.

CONSOLACION: Pakantahin n’yo siya.

GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!

At umawit naman si Sisa.

CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.

GUARDIA CIVIL: Opo, Señora.

Umalis ang mga guardia civil.

CONSOLACION: Hoy Baliw!

SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw!

CONSOLACION: Sumayaw ka!

SISA: Sumayaw?

CONSOLACION: Gayahin mo ako.

Sumayaw ang donya.

SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw!

CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw!

SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw!

CONSOLACION: Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw!

SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha!

Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo.

CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!

SISA: Aray!

Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya.

ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?!

CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na ‘yan!

ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?

SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!

ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n’yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n’yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.



SCENE 19 Si Alfonso Linares
Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara.

TIYAGO: O Doña Victorina, kayo pala. Tuloy kayo.

VICTORINA: Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel.

TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayo—

VICTORINA: Ahh oo—

ALFONSO: Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares.

TIYAGO: Magandang araw rin sa iyo, iho.

TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara?

ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio.

Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara.

TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam?

MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor.

ALFONSO: Doña Victorina, siya po ba si Maria Clara?

VICTORINA: Oo, Alfonso.

ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya.

Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso.

TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso.

DAMASO: Nasaan na siya?

TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kanyang silid.

Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso.

DAMASO: Maria Clara!

MARIA CLARA: Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo.

DAMASO: Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad.

MARIA CLARA: Opo.

DAMASO: O sige iha, magpahinga ka muna.

MARIA CLARA: Opo, padre.

Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala.

VICTORINA: Padre Damaso.

DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo?

VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw.

DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos?

ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre.

DAMASO: Ano’ng saya ko’t sa wakas ay nakita na kita, iho.

ALFONSO: Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala.

VICTORINA: Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre.

DAMASO: Ng mapapangasawa? Madali lamang iyan...maghintay ka lamang, iho.



SCENE 20 Ang Dalawang Donya
Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadaña kasama si Linares hanggang sa napadaan sila sa tahanan ni Doña Consolacion.

CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman ‘yan! Ang papangit naman ng dumadaan!

VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?!

CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At ano’ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko ‘yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa?

VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda!

Bumaba si Doña Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig ang alperes.

CONSOLACION: Ano’ng sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo?

VICTORINA: Hindi kita uurungan!

Namagitan si don Tiburcio sa kanilang labanan.

ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!

VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam!

ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae—

TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan.

CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot!

Nagtungo ang mag-asawang de Espadaña sa tahanan ni Kapitan Tiyago.

VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na ‘yon?!

TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?

VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay Maria Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!




SCENE 21 Ang Pagdakip kay Ibarra
Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.

ELIAS: Tao po! Tao po!

IBARRA: Elias!

ELIAS: Señor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito.

IBARRA: Ano’ng ibig mong sabihin?

ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito.

IBARRA: Ngunit sino ang…?

ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Señor.

IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin?

ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit saan—iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan.

IBARRA: Maraming salamat, kaibigan.

Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may kumalabog sa pinto.

IBARRA: Sino ‘yan?

SARHENTO: Kami’y mga alagad ng batas!

IBARRA: Bakit po—

SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin!

Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay.




SCENE 22 Tugisan sa Lawa
Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating.

MARIA CLARA: Crisostomo…?

IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas.

MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko.

IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa’yo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo sa’yo...sa lugar na ito...

MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong…

IBARRA: Nalaman kong ano?

MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso...

IBARRA: Paano—

MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo.

IBARRA: Paalam, Maria Clara...

Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara.

IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo?

ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Señor.

IBARRA: At pagkatapos?

ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa.

IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid?

ELIAS: Para saan pa?

IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong mo.

ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo.

Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil.

ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan?

IBARRA: Oo.

ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sarili…ililigaw ko sila.

IBARRA: ‘Huwag Elias, labanan natin sila—

ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo.

Tumalon si Elias at sa tuwing siya’y lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog.




SCENE 23 Ang Paliwanag ng Pari
Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo.

MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko...

DAMASO: Ano’ng nangyari sa’yo, anak ko?

MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo?

DAMASO: Ano’ng ibig mong sabihin—

MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko...

DAMASO: Ngunit—

MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si Alfonso…at hindi ako magpapakasal sa kanya.

DAMASO: Ngunit—

MARIA CLARA: Kung itutuloy n’yo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa…magpapakamatay ako!

DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo ako…kung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarra…sa buhay mo. Patawad, anak ko.

MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako.

DAMASO: Kung iyan ang iyong kagustuhan.

Iniwan ni Maria Clara ang nakaluhod niyang ama.

DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan?



SCENE 24 Noche Buena

Nagkitang muli sina Basilio at Sisa.

BASILIO: Inay!

SISA: Sino ka?

BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak n’yo!

SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anak…hindi kita kilala.

Pumasok si Sisa sa libingan ng matandang kastila.

BASILIO: Inay, ‘wag po kayong matakot sa akin. Inay!

SISA: Basilio?

BASILIO: Opo inay, ako nga po.

SISA: Anak ko—

Biglang nawalan ng malay si Sisa.

BASILIO: Inay! Inay! Bakit n’yo po ako iniwan, Inay. Inay!

ELIAS: Iho…

BASILIO: Sino po kayo?

ELIAS: Ano’ng gusto mong gawin sa inay mo?

BASILIO: Gusto ko po siyang ilibing sa sementeryo...ngunit wala po akong pera.

ELIAS: Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko, iho. At sa sandaling mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan hanggang sa maging abo. Pagkatapos, maghukay ka at may makikita kang kayamanan, gamitin mo ito sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba?

BASILIO: Opo, ginoo.

ELIAS: Mamamatay akong…hindi masisilayan…ang pagsikat ng araw...sa aking bayan.

Tumingala si Elias sa langit at nawalan na ng buhay...

Iba-ibang klase ng kasawiang-palad ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging ang alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na nagbalik sa Espanya at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng tungkulin. Sarisaring balita ang kumalat kay Maria Clara – mga balitang hindi napatunayan pagkat nilukuban ng maykapal na pader ng monasteryo ng Sta. Clara.

5 comments:

  1. I would like to appreciate this article as it’s the best one in attracting its audience via unique yet essential points as well as the clarity it assists in making us understand its motive.
    mang tika

    ReplyDelete
  2. Permission to use parts of this for our presentation. Thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! I'm the one who wrote this script back when I was in HS (sobrang tagal na, I forgot my account when I made this blog). Last year pa pala yung comment mo but yep, okay lang :) everyone is free to use anything from this blog haha

      Delete