El
Filibusterismo
BHS
IV – Management ’09 – ‘10
SCENE
1
Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay
sumasalunga ang Bapor Tabo
Sfx:
tunog ng paos na bapor
Tao 1: Saan ba patungo ang bapor na ito?
Tao 2: Sa Laguna. Pasakaysakay ka
rito, ‘di mo alam kung saan papunta.
Tao 1: Huh? Ano yun?!? Saan?!?!
Tao 2: Sa Laguna nga! Bingi! Maligaw
ka sana !
Tao 3: Ano ba namang klaseng bapor
‘to! Parang ibig nitong wasakin ang mga salambaw na mga kagamitan sa
pangingisda.
Tao 4: Oo nga eh. Nagdudumaling pa
ito patungo sa kawayanan
Tao 5: alam mo, nangangamba ako na
baka sumayad sa putik ang bapor na ito.
Tao 6: Ako rin nangangamba! Ang
babaw na kasi ng tubig dito sa Ilog Pasig
eh.
Kapitan Basilio: ‘Wag kayong
magkagulo! Sisikapin kong iwasan ang anumang panganib ditto sa bapor.
Tao 7: Salamat Kapitan
Basilio.Pero, bakit po ba inihihinto niyo maya’t maya ang bapor?
Kapitan Basilio: Marami kasing
balakid sa daan. Isa na ang mababaw na putik. Mabagal din ang mga sasakyan ng
mga mangingisda na palaging nababalaho.
Donya Victorina: Hay nako! Ano ba
naman ‘tong nasakyan ko! Ang tamad tamad ng Bapor Tabo!
Lalake 1: Ahh, sige!
Donya Victorina: Hindi rin ito
masunurin. Sumpungin pa! Haaaay nako! Nasisira ang aking taglay na kagandahan
habang ako’y lulan ng ganitong klase ng bapor!
Donya Victorina: Ano ba naman!
Pansinin niyo naman ako. Ang sarap pa ng tulog ni Custodio!
Pari Camorra: Haay nako Ben Zayb,
ang hirap talaga magpapansin!
Ben Zayb: Tama ka Pari Camorra.
Lalo na kapag walang nakikinig sa’yo. ‘di ba Pari Irene?
Pari Irene: Bigyan niyo nga ng
kausap ng nagmumurang kamatis na ‘yan! Pagtiyagaan mo na lang siyang kausapin
Simoun!
Simoun: Pasensya na ngunit hindi
ko nais tuparin ang inyong kagustuhan. Magpalit na lang tayo ng paksa sa ating
usapan.
Donya Victorina: Nakayayamot
talaga! Kapitan, bakit hindi gumagawi sa dakong yaon ang mga hangal niyong
timonero?
Kapitan Basilio: Lubos pong
mababaw roon, ginang. Marahan lamang, marahan lamang.
Donya Victorina: Al bakit kaunting
tulin lamang at hindi buong tulin?
Kapitan Basilio: Sapagkat
masasadsad po tayo sa mga palayang iyan
Ben Zayb: Wala na talaga tayong
magagawa kay Donya Victorina.
Simoun: Ayokong kontrahin ang
iyong sinabi Ben Zayb. Ang mababaw na tubig dito ay maari pang remedyohan.
Maari tayong magpagawa ng mahabang kanal na dadaan sa Manila
na nakakabit sa Laguna.
Pari Camorra: At ano naman ang
mangyayaring maganda diyan sa plano
mo?
Simoun: Mapapbilis nito ang ating
biyahe at wala ng mababaw na tubig.
Don Custodio: Hindi ako sang-ayon
sa iyong sinasabi Simoun. Malaki ang guguguling pera at maarai pa nitong masira
ang ating bansa.
Simoun: Hayaan na nating masira
ang dapat masira.
Don Custodio: At saan naman natin
kukuhanin ang perang gagastusin doon?!?
Simoun: Hindi natin masyado
kailangan ng pera. Ang mga naka-bilanggo ang mga kikilos sa proyekto na iyon.
Don Custodio: Ayoko man ‘di
sumang-ayon ngunit, ang mga preso natin ay kulang para matapos ang proyekto.
Simoun: Kung hindi sapat ay
pagawain ang lahat ng bayan.
Don Custodio: Ano kaya kung
mag-alaga na lang tayo ng maraming itik para ang mga susong pagkain ng itik ay
makukuha at magiging dahilan ng paglalim nito.
Ben Zayb: Puwede bang sumulat ng
isang lathalain tungkol sa gayong mahusay na panukala?
Donya Victorina: Custodio, kung
mag-aalaga kayo ng maraming pato, rarami ang mga balot na kinasusuklaman ko!
Eeew. Kadiri! Masisira na talaga ang aking kagandahan.
Tao 8: Anu ba yan! Ang sikip sikip
naman dito! Ang babaho pa ng mga tao.
Tao 9: Ou nga eh. Wala pang
sandalang ‘tong kinauupuan ko.
Tao 8: Buti ka pa nga nakaupo eh.
Ako nga nakatayo lang.
Tao 10: Ang baho talaga! ‘Di ko
maintindihan ang amoy. Parang pinagsamang amoy ng tao at singaw ng langis.
Tao 11: ‘Wag ka kasing maingay!
Dumadagdag ka lang sa polusyon dito eh!
Kapt.
Basilio: Kamusta na ang kalagayan ni Kapitan Tiago?
Basilio:
Tulad ng dati, ayaw pa rin niyang magpagamot.
Kapt.
Basilio:
Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, ‘di pa uso ang droga na iyan. Hindi
ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ng masamang gamot na iyan.
Isagani:
Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi
isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halaman ng katutubo pa
lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio?
Basilio:
Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan.
Kapt.
Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit
ito’y hindi gaanong napapansin dahil abala nag marami sa pag-aaral. Maiba ako,
kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
Basilio:
Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang mga
mag-aaral.
Kapt.
Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana’y magtagumpay kayo sa inyong plano . Paano, mauna na ako sa inyo. Kailingan
ko ng bumalik sa itaas. Maiwan ko na kayo.
Simoun:
Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Basilio:
Ganoon na nga po Señor Simoun.
Simoun:
At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?
Basilio:
Hindi po Señor, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Señor, hindi pa
po ba kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun:
Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindi
naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga
tao doon.
Isagani:
Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman namin
kailangan.
Simoun:
Huwag ka nang
magdamdag Isagani sapagkat wala naman akong masamang hangarin sa aking sinabi
na mahirap ang inyong lalawigan. Ngunit aking tinitiyak sa iyo na ang lahat
halos ng pagkukura sa simbahan niyo ay nasa kamay ng mga paring indiyo.
Isagani:
Simoun: Sapat na ang usapang ito.
Ano kaya kung uminom naman tayo ng serbesa?
Basilio: Maraming salamat ngunit
kami’y tumatanggi sa inyong paanyaya.
Isagani: Pasensya na ngunit hindi
kami umiinom ng serbesa.
Simoun: Masama ang ginagawa ninyo, isang mabuting
bagay ang serbesa at narinig ko ngayong umaga kay Pari Camorra na ang dahilan
ng kakulangan sa sigla ng mga mamamayan ditto ay nagmula sa pag-inom nila ng
maraming tubig.
Basilio: Ginoo, pakisabi po kay
Pari Camorra na kung tubig ang iniinom niya sa haip na alak o serbesa, marahil
ay matagumpay sila at walang anumang alingasngas na maririnig.
Isagani: Sabihin niyo rin sa kanya
na matabang ang tubig at naiinom, ngunit nakapapawi ito ng alak at nakapapatay
ng apoy, bukod pa rito, nagiging singaw kapag pinainit, nagiging malawak na
dagat kapat ito’y pinagalit na nagwawasak nang minsan sa sangkatauhan at
pinayanig ang buong daigdig.
Simoun: Baka itanong ni Pari
Camorra kung kailan magiging singaw at kung kailan naman magiging dagat ang
tubig. Si Pari Camorra ay mapanlibak at hindi kaagad –agad mapaniniwala.
Isagani: Kapag ang tubig ay
pinainit ng apoy at minsanang bumuhos ang maliit at nagkakahiwalay ng mga ilog
sa udyok ng kasawiam-palad na dinaranas ng mga tao.
Simoun: Pangarap at panaginip
lamang iyon.
Basilio: bakit ka naman naging
mapusok ka sa pakikipag-usap sa kanya? Hindi mo ba alam na siya ang tinatawag
na Kardenal Moreno?
Isagani: Gayon ba?
Basilio: Mula nang dumating siya
rito ay lagi siyang dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Kaya’t pinaghihinalaan siyang
isa sa magiging mga tagapagmana.
Katulong 1: Mawalang galang na
Isagani ngunit ika’y pinapatawag ng inyong amain na si Pari Florentino.
Kapitan Basilio: Pari Florentino,
bakit ‘di tayo magtungo sa kubyerta? Kapag ika’y hindi umakyat ay maaring
ipalagay ninyo na ayaw niyong makisama sa amin.
Pari Florentino: Salamat sa inyong
paanyaya Kapitan Basilio. Ngunit sandali lamang, kakausapin ko lang si Isagani.
Isagani: Ano po iyon tiyo?
Pari Florentino: Huwag kang
papanhik sa kubyerta sakaling makita ka ng kapitan at anyayahang pumanhik
sapagkat magiging isang pagmamalabis na iyon sa kanyang kabutihang loob.
Isagani: Sige po.
Isagani: Haay, siguro isang
pagdadahilan lamang iyon upang hindi ako makausap ni Donya Victorina.
Don Custodio: Magandang araw
Simoun. Alam mo, hindi mo pa nakikita ang bahaging pinakamainam sa paglalakbay.
Simoun: Marami na akong nakitang
ilog at ang aking hinahanap ay mga alamat.
Kapitan Basilio: Mayroon ding alamat
ang Ilog Pasig. Isa na rito ang Malapad na Bato. Mayroon ding alam si Pari
Florentino na alamat. Hayaan niyo na siya ang magkuwento tungkol ditto.
Pari Sibyla: Lahat naman ng tao ay
nakaaalam ng naturang alamat.
Simoun: Hindi, ikuwento niyo pa
rin ‘yung alamat. ‘Di ko pa ito alam.
Ben Zayb: Oo nga, baka puwede
nating ilathala sa diyaryo iyang kuwento na ‘yan.
Pari Irene: Ako rin ‘di ko pa alam
ang kuwento niyan.
Pari Camorra. Parehas tayo Pari
Irene kaya Pari Florentino, ikuwento mo na.
Pari Florentino: Sige na nga. Ito
ay isang kuwento tungkol sa isang estudyante na nangakong pakasalan ang isang
dalaga na kababayan niya ngunit nakalimutan niya ang kanyang pangako dahil
naging arsobispo ang lalaki. Inilagay na lang niya si Donya Geronima sa isang
kuweba. Mataba raw si Donya Geronima kaya patagilid siyang ipinasok sa kuweba.
Nabantog na isang engkantada si Donya Geronima.
Ben Zayb: Napakaganda naman ng alamat
na iyan! Puwede talaga ito isulat sa isang pahayagan.
Donya Victorina: Ano kaya kung
manirahan din ako sa ibang kuweba?
Simoun: Pari Salvi, siguro ay mas
mainam na ilagay na lang ang babae sa isang beaterio katulad ng Sta. Clara
kaysa ilagay siya sa isang kuweba. Hindi marangal na gawain na ilagay ang bigo
sa liblib na lugar.
Pari Salvi: Hindi ko mahahatulan
na hindi dapat hatulan ang arsobispo sa iyong pasya.
Pari Salvi: Alam niyo, ang
pinakamaganda at pinakatotoo sa mga alamat ay and milagro ni San Nicolas na may
mga sirang moog na hanggang ngayon ay kanilang makikita. Naging bato ang buwaya
ng tinawag ng isang intsik si San Nicolas nang habang nilulubog ng buwaya ang
kanyang sinasakyang bangka.
Ben Zayb: Kapitan, saang dako ba
napatay ang isang nagngangalang Guevara, Navarra o Ibarra?
Kapitan Basilio: Ayon sa kabo ng
mga kawal na humabol kay Ibarra, nang siya ay malapit nang abutan ay tumalon
siya mula sa bangka at lumangoy. Nagkulay-dugo ang tubig dahil sa kababaril sa
kanya. Ganap na labintatlong taon ang nakalipas sapula nang maganap ang gayong
pangyayari.
Ben Zayb: Simoun, ayos ka lang?
Mukhang nahihilo ka ah.
SCENE
2
Sa loob naman ng tahanan ni Kabesang
Tales…
Tandang Selo: Apo ,
hindi ako makapapayag na ika’magpaalipin.
Juli: Kahit ayaw ko po, wala nang
ibang paraan para mabayaran ang pangtubos kay itay para makalaya siya.
Tandang Selo: Bakit hindi mo na
lang ibenta ang locket na binigay sa iyo ni Basilio?
Juli: Hindi ko maaring gawin iyan.
Mas pipiliin kong maghirap kaysa ibenta ang locket na bigay ni Basilio.
Tandang Selo: Hindi nga pinalad si
Tales. Napakasakit gunitaan kung paano siya nagsikap upang mapagyaman an gaming
lupain para mabuhay. Masakit din na tanggapin na ika’y magpapaalipin kay
Hermana Penchang para makapag-ipon ng 350 piso pantubos sa iyong ama.
Juli: Lolo Selo, ‘wag po kayong
masyadong magdamdam. Ito rin po ay para sa aking ama.
SCENE
3
Basilio: Kailangang puntahan ko
ang lugar kung saan nakalibing ang aking ina. At bukas, pupunta naman ako kay
Kabesang Tales.
Basilio: Haaay. Kawawa naman ang
aking ina. Buong buhay niya, puro paghihirap ang kanyang dinanas. Teka, mukhang may iba pang tao rito bukod sa akin.
Basilio: Ngunit, ano ang ginagawa
rito ni Ginoong Simoun? Teka nga, imposible, pero parang… may naaalala ako.
Hindi kaya?
Noong nakaraang 13 na taon…
Ibarra: Sino ka at ano ang
ginagawa mo rito?
Basilio: Ako po si Basilio.
Ibarra: Sinabi mo na ang pangalan
mo. Ngunit sagutin mo ako! Ano ang ginagawa mo rito?
Basilio: Sinusunog ko po ang
bangkay ng aking ina at ng lalakeng iyan na hindi ko naman kilala.
Ibarra: Namatay pala talaga si Elias.
Basilio: Nako ano na ang aking
gagawin?
Simoun: Wag kang gagalaw kung ayaw
mong mamatay!
Basilio: Kung inyo pong
natatandaan, nagkita na tayo sa lugar na ito, ilang taon na ang nakakaraan.
Simoun: Dito? Kilala mo ba ako?
Basilio: Ikaw ang taong
pinaniniwalaan nila na patay na. Ikaw si Crisostomo Ibarra.
Simoun: Ang iyong nadiskubre Basilio ay isang
sikreto na pwede tayong mapatay. Ito ay dapat manatiling sikreto.
Basilio: Wala akong dahilan upang
pagtaksilan kayo Ginoo. Ang ating sikreto ay mananatiling sikreto habambuhay.
Simoun: Inaasahan kong sasabihin
mo iyan dahil parehas tayong may sama ng loob sa ating pamayanan. Ang iyong ina
ay nabaliw dahil sa kalupitan ng mga Kastila at ang iyong kapatid ay pinatay ng
mga ‘di-kilalang tao.
Simoun: Iniwan ko ang Pilipinas at pumunta sa
malayong lugar upang magpayaman at maihanda ang aking sarili sa paghihimagsik.
Simoun: Parehas tayong uhaw sa katarungan. Dapat
tayo’y magtulungan.
Basilio: Mag-isa ka lang Ginoong
Simoun. Ang gobyerno ay napakamakapangyarihan. Paano ka makapaghihiganti?
Simoun: Kapag panahon na, kailangan ko ang tulong mo.
Basilio: Isang karangalan para sa
akin na gawin iyon pagkatapos mong ipaliwanag ang iyong hangarin ngunit hindi
ako makakaanib sa katulad nito na damay ang politika. Nais ko kasing maging
isang doctor.
Simoun: Ano?!? Bulag ka pa rin sa hubad na
katotohanan na biktima ng karahasan ng mga Kastila ang iyong ina at kapatid?
Basilio: Matagal na silang patay.
At kahit ano ang aking gawin, hindi na sila muling mabubuhay pa.
Simoun: At ang iyong bayan,
hahayaan mo ba ito maghirap?
Basilio: Ang mga karahasan na ito
ay ang aking dahilan kung bakit ako nagsisipag mag-aral. Naniniwala ako na ang
katarungan ay magpapaginhawa sa ating bayan.
Simoun: Hindi katarungang Kastila.
Ang kaginhawaan ay ating makakamit lamang sa pamamagitan ng himagsikan.
Basilio: Magkaiba tayo ng nasa
isip Ginoo.
Simoun: May karapatan kang mamili
ng iyong kagustuhan Basilio. ‘Di na kita pipilitan sa aking kagustuhan. Ngunit
kung handa ka nang magbago ng isip, sabihin mo lang sa akin.
Simoun: Kawawang Pilipinas! Wala
rin itong linguwahe na matatawag na sarili.
SCENE
4
Juli: ‘Wag na po kayong malungkot
Lolo, malapit lang naman po ang bahay ni Hermana Penchang. Maari ko po kayong bisitahin
palagi.
Juli: Nako! Nalimutan ko! Galing
nga pala ito sa isang ketongin, baka mahawa ako!
Juli: Lolo, kapag dumating na po
si Itay, pakisabi po na parang nasa kumbento na rin ako sapagkat magaling daw
magKastila si Hermana Penchang.
Juli: Paalam po.
Bisita 1: Tandang Selo, kamusta na
po kayo?
Tandang Selo: A… ah.. ah….
Bisita 2: Ano ang nangyayari sa
kanya?
Tandang Selo: A… ah.. ah….
Bisita 3: Hala! Pipi na si Tandang
Selo! Pipi na siya!
At
nakalaya na nga si Kabesang Tales…
Kabesang Tales: Itay, nandito na
po ako. Kumusta na po kayo?
Tandang Selo:
Kabesang Tales: Ang lupit po ng
pinagdaan ko roon. Masyado pong mahirap.
SCENE
5
Simoun: Kabesang Tales, maari po
ba akong manatili rito sa inyong tahanan sandali?
Kabesang Tales: Siyempre po Señor
Simoun. Bukas po ang aking tahanan para sa inyo.
Simoun: Marami pong salamat.
Simoun: Mula rito, plano ko na pumunta sa San Diego . Sa tingin niyo po, sapat na ba
itong baril ko upang makaiwas sa karahasan ng mga tulisan?
Kabesang Tales: Hindi po ako
sigurado dahil sila ay maraming armas.
Simoun: Oo nga, marami silang
armas ngunit ang aking rebolber ay magaling bumaril.
Usisera 1: Ui mare, nandiyan daw
si Simoun, ang mag-aalahas! Tara , bili tayo ng
magandang alahas.
Usisera 2: Wala akong pera eh.
Pautang na lang. Sa isang taon ko na lang babayaran.
Usisera 1: Sige, para parehas
tayong may alahas.
Usisera 3: Ang ganda mo mare! Pero
alam mo, mas gaganda ka kapag may alahas ka.
Usisera 4: Bolera! Magpapalibre ka
lang ng alahas eh. Tara , bili tayo.
Usisera 3: ‘Wag dapat tayo
magpapahalata na uhaw tayo sa mga alahas niya ah. Baka mahal na ibenta sa atin
ni Simoun ang mga alahas niya.
Sinang: May mag-aalahas pala!
Gusto ko rin bumili. Tara , bili tayo!
Simoun: Ano naman ang aking
mapaglilingkod sa inyo? Nais niyo bang bumili ng aking mga alahas? Sinang, ang
isang dakot ng aking mga alahas ay maaring magpaluha sa karamihan sa ating
lupa.
Simoun: Bukod sa pagbebenta, bumibili
rin ako ng mga alahas. Kabesang Tales, may maibebenta po ba kayo sa akin?
Kabesang Tales: Wala eh. Lahat ng
alahas ng aking anak ay nabenta na.
Sinang: Nagkakamali po kayo
Kabesang Tales. Ang locket na binigay ni Basilio ay nasa kanya pa.
Kabesang Tales: Napakahalaga ng
locket na iyon kay Juli. Pinili pa niyang magsilbi kay Hermana Penchang kaysa
ibenta ang locket ni Maria Clara
Simoun: Sinabi mo bang Maria
Clara?
Kabesang Tales: Opo Señor.
Simoun: At paano naman nakuha iyon
ni Basilio?
Kabesang Tales: Sabi kasi,
ibinigay ni Maria Clara ang locket sa isang ketongin. Ginamot ni Basilio ang
ketongin na iyon at para makabayad, ibinigay sa kanya ang locket.
Simoun: Kabesang Tales, kahit
hindi ko pa nakikita ang locket na iyan, nais ko iyang bilhin sa halagang 500
piso.
Kabesang Tales: 500 piso?!?!
Kailangan ko munang ipagpaalam ito sa aking anak.
Simoun: Maghihintay ako Kabesang
Tales.
Kinabukasan…
Simoun: Nasaan na ang rebolber
ko?! Teka, anu ito?
Simoun: Ginoong Simon, Dahil nais mo
talagang makuha ang locket ni Maria Clara ay iniiwan ko na ito sa iyo. Pero ang
kapalit ay ang iyong rebolber. Ngayon, nakuha mu na ang iyong nais at ako rin
ay nakuha na ang aking gusto. – Kabesang Tesforo Juan de Dios
Chismosa 1: Nabalitaan mo na ba?
May tatlong namatay. Ang brutal. Napakadugo ng kanilang pagkamatay. Pinugutan
sila ng ulo at puno ng lupa ang kanilang mga bibig.
Chismosa 2: Alam ko na yan. Yung
prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ang namatay ‘di ba? Sa
tabi pa nga ng bangkal ng babae, may papel na may sulat gamit ang daliring
isinawsaw sa dugo.
SCENE
6
Nang malaman ni Basilio ang nangyari kay
Juli, hindi na siya nagatubili na puntahan si Hermana Penchang…
Basilio: Aking ikagagalak kung
inyo pong pauunlakan ang aking ipinapakiusap.
Hermana Penchang: Marami na akong
nagastos kay Juli. Hindi ko siya basta-basta pakakawalan.
Basilio: Hindi pa ba sapat na
nagtrabaho siya sa inyo bilang isang katulong?
Hermana Penchang: Oo nga. Ngunit –
Basilio: Handa akong magbayad para
sa mga nagastos niyo sa kanya.
Hermana Penchang: Sige na, sige.
Pero bayaran mo talaga ako.
Basilio: Heto na po. Maraming
salamat po.
Basilio: Malaya
ka na Juli, hindi ka na katulong.
Juli: Hindi ko alam kung paano ka
pasasalamatan Basilio.
Basilio: Sapat na sa akin ang
makita kang masaya at nakangiti aking mahal. Para sa iyong ikaliligaya, handa
akong gawin ang lahat.
Juli: Nagaalala lang ako, saan na
kami titira ng aking lolo?
Basilio:
Juli: Ano naman ang ibig sabihin
ng iyong magandang ngiti?
Basilio: Malalaman mo rin
maya-maya.
Basilio: Heto na ang inyong bagong
tahanan. Kubo lang iyan ngunit ito ay malayo sa problema.
Juli: Basilio! Ako’y labis na
nagpapasalamat sa iyong kabutihan. Nais ko nang makita ang aking lolo.
Juli: Lolo, may nagmagandang loob
sa atin.
Tandang Selo: A… ah.. ah….
Basilio: Obligasyon kong tulungan
ang mga taong malapit sa akin.
Juli: Hindi ko talaga masukat kung
gaano ako kasaya ngayon. Pero, saan mo nakuha ang perang ipinantubos mo sa akin
at ang tahanang ito?
Basilio: Nakapag-ipon ako Juli.
Hindi naman masyadong malaki ang aking ginastos para bayaran si Hermana
Penchang at mabili ang tahanang ito.
Basilio: Magpapaalam na ako Juli.
Babalik ako bukas.
Juli: Aasahan kita mahal kong
Basilio.
SCENE
7
Kapitan Heneral: Haay nako! Bakit
kaya ‘di ako makatama ng isang ibon o usa ?
Yaya: Kapitan Heneral, huwag po
kasi kayo magsama ng banda ng musiko.
Kapitan Heneral: Isang kahangalan!
Ako ang kinatawan ng patrono real ng hari. Kailangan talagang may dala akong
banda ng musiko. Alam mo, dapat, nagbihis-usa ka na lang kanina eh.
Yaya: Pasensya na po ngunit hindi
ko po iyan magagawa. Mukhang ‘di bagay sa akin ang isang kasuotang hindi naman
para sa akin.
Kapitan Heneral: Pero alam mo,
mabuti na rin at wala akong natamaang hayop. Masyado kasi akong maawain sa
kanila eh. Kahabaghabag naman ang mga hayop sa Bosoboso
Yaya: Babalik na po ba tayo sa Los
Baños?
Kapitan Heneral: Oo. Tara na.
Sa opisina ng Kapitan Heneral…
Pari Sibyla: Magpatalo tayong
dalawa sa laro.
Pari Irene: Sige, para makalamang
tayo kay Pari Camorra sa pakikipag-usap kay Kapitan Heneral ukol sa paaralan ng
kastilang balak ng kabataan.
Padre Camorra: Ano ba ‘yan! Bakit
ba kayo natatalo?
Kapitan Heneral: Ayos! Nanalo na
ako!
Pari Camorra: Ano ba Paring Irene?! Bakit niyo ba sinasadya ang
isang maling sugal na ikinapanalo pa ng Kapitan Heneral? Punyales, si Kristo na
ang makipagsugal sa inyo!
Simoun: Ako na lang ang papalit sa
puwesto ni Pari Camorra sa larong ito.
Pari Irene: Ano kaya kung itaya mo
ang iyong mga brilyante?
Simoun: Pumapayag ako sa iyong
nais. Ngunit, wala namang maitataya ang kura… Alam ko na! Bayaran niyo na lang
ako ng pangako.
Pari Sibyla: Anong pangako?
Simoun: Ikaw Pari Sibyla, sa bawat
limang bilang ay mangangako na kayo’y di kikilala sa karalitaan, kababaang
loob, at pagsunod sa kabutihang asal.
Pari Irene: Ano naman sa akin?
Simoun: Kayo naman Pari Irene,
sasabihin lamang ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa
kapwa, at iba pa. Sa maliit na hinihingi ko ay kapalit ng aking mga brilyante.
Simoun: At ito, sa limang bilang
ay isang vale na limang araw sa piitan, isang pagpapapiit sa limang buwan,
isang utos na pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan at karapatan sa
isang madaiang utos na pagpapabaril sa isang taong pipiliin ko.
Mataas na Kawani: Ano naman ang
mapapala sa iyong mga hiling?
Simoun: Para
luminis ang ating bayan at maalis na lahat ang masasamang damo.
Kapitan Heneral: Tama na ang
larong ito. Marami pa tayong dapat pag-uusapan.
Kapitan Heneral: Huwag na nating
pag-usapan ang tungkol sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Gugugol
tayo ng mahabang panahon sa pag-aaral tungkol doon. Ano na ang sunod na paksa?
Clerk: Ang mga estudyante ay
ipinaglalaban ang eskwelahan na dapat ay gobyerno ang magpapatayo.
Kapitan Heneral: Wala na bang
ibang paksa kund hindi iyang eskwelahan na iyan?!?!
Clerk: Pero, hindi niyo po
naiintindihan. Ang eskwelahan na ito ay magtuturo sa mga estudyante ng wikang
Kastila.
Kapitan Heneral: Eskwelahan na
magtuturo ng Kastila? Ano naman ang magandang mangyayari diyan?
Clerk: Sa tingin ko ay isa itong
magandang ideya na kailangang suportahan.
Pari Camorra: Suportahan? Hindi
kaaya-aya ang ganyang hangarin. Kapag natuto na ang mga indiyo sa ating wika ay
lagi na nila tayong kokontarahin.
Kapitan Heneral: Eh di, hindi
bagay sa kanila na matutunan ang ating wika para sa kanilang kabutihan?
Pari Camorra: Hindi pa ito ang
takdang panahon para kanila itong matutunan.
SCENE
8
Estudyante 1: Wala talagang
pumapasok na leksyon sa aking utak!
Estudyante 2: Ang hina kasi ng
utak mo! Nakakahiya, sa Unibersidad ng Sto. Tomas ka pa naman nag-aaral.
Estudyante 1: Ang yabang mo! Ang
tamad tamad mo nga eh. Batugan!
Pari Millon: Magandang umaga sa
inyong lahat. Ako ang propesor niyo sa Pisika. Tawagin niyo na lang akong Pari
Millon.
Pari Millon: Ang pisika ay isang
pag-aaral kung saan lahat tayo, lahat ng nasa paligid natin at ang kalawakan ay
nasasakop sa ganitong pagaaral.
Estudyante 3: Ahhm, bakit
kailangan pang pag-aralan ang Pisika eh wala naman akong pakialam dito?
Pari Millon: Kung wala kang
pakialam sa Pisika, wala rin akong pakialam sa’yo.
Pari Millon: Hoy antukin! Hindi mo
alam ang leksyon, ano? Tamad!
Estudyante 4: Ang sentro ng
kaselanan ay isang punto sa isang bagay kung saan ang buong timbang ng bagay ay
nakasentro. Ahhh, ahh. Ahh…..
Juanito:
Estudyante 4: Ginagamit ang
pag-aaral ng sentro ng kaselanan sa pagluluto, pagtulog at pagligo.
Pari Millon: Ang hina talaga ng
utak mo! Alam mo ba yung tungkol sa ibabaw ng salamin? Sumasang-ayon ka ba
rito?
Estudyante 4:
Juanito: Sumang-ayon ka na lang sa
kanya.
Estudyante 4: Opo!
Pari Millon: mabuti kung ganon.
Pari Millon: Ikaw naman Juanito
Pelaez, ang aking paboritong estudyante, sang-ayon ka ba tungkol sa salamin?
Juanito: Ahhm…..
Placido: Hindi ako sang-ayon.
Juanito: Ahhhm…
Juanito: Turuan mo ako!
Placido: Aray!!!!
Pari Millon: Ikaw, magaling ka
palang bumulong eh. Bakit ‘di mo sagutin ang aking katanungan?
Placido: Pasensya na po. ‘Di ko po
sinasadya.
Pari Millon: paturo-turo ka, ‘di
mo rin pala alam ang leksyon! Ano ba ang pangalan ng estudyanteng ito?
Estudyante 5: Placido Penitente
po.
Pari Millon: Dapat ay tawagin
siyang Placidong Bulong. Teka nga, lalapatan kita ng penitencia. Mayroon ka
palang labinlimang pagliban! Isa na lang at aalisin na kita sa klase.
Placido: Apat lang po aking liban
at ikalima ang aking paghuli
Pari Millon: Bihira akong bumasa
ng talaan kaya’t sa bawat isang huli ay limang liban ang inilalagay ko.
Makaikatlo kitang nahuli kaya’t labinlima. Kung ang limang liban ang inaming
susundin ko, may utang ka pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa
pagsagot mo ngayon.
Placido: Ngunit Padre, hindi dapat
na ang isang wala sa klase ay makabigkas ng mali sa aralin.
Pari Millon: A… Pilosopong
metapisiko! Hindi mo baa lam na maaaring ang lumiban sa klaseng iyon, saan man
siya naroroon, ay ‘di rin nakaalam ng aralin? Pilisopastro!
Placido: Husto na Padre! Ilagay
ninyo ang lahat ng guhit na nais niyong ilagay ngunit wala kayong karapatang
ako’y alipustahin.”
SCENE
9
Sa bahay nila Macaraig…
Pecson: Bakit wala pa rito si
Makaraig?
Sandoval: Oo nga eh, bakit kaya
siya nagtagal?
Makaraig: Magdiwang tayo mga kaibigan! Nagtagumpay
tayo!
Juanito: Bakit Makaraig? Sabihin
mo sa amin ang dahilan.
Macaraig: Kaninang umaga ay
nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya sa akin na sa Los Banos daw
pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na ang
Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman
kumikilos ang lupong iyan!
Macaraig: Yan din ang aking sinabi
kay Padre Irene. Ang sabi niya’y si Don Custodio, isang sangguni ngn lupon ang
magdedesisyon.
Pecson: Papaano kung laban sa atin
ang desisyon?
Macaraig: Sinabi ko ri iyan kay
Padre Irene at ang sabi niya sa akin ay ganiti, “Malaki na ang atin tinamo,
nagawa na natin na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang kapasyahan.”
Sinabi ni Padre Irene na kung tayo’y makikipagkilala kay Don Custodio ay
magagawa nating hilingin ang kanyang pagsang-ayon.
Sandoval: Sa papaanong paraan
naman tayo makikipagkilala sa kanya?
Macaraig: Dalawang paraan ang
sinabi sa akin ni Parde Irene.
Pecson: Ang intsik na si Quiroga!
Sandoval: Ang mananayaw na si
Pepay!
Isagani: Tignan pa natin ang isang
paraan. Maaari naming si G. Pasta an gating lapitan.
Sandoval: Ang abugadong
hinihingian ng payo ni Don Custodio?
Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang
kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang ay kung papaano natin siya
lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na paburan tayo.
Macaraig: hindi ba’t si G. Pasta
ay may kalaguyong isang mananahi.
Isagani: Wala na bang ibang paraan
bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo?
Juanito: Huwag ka na ngang maarte!
Isipin mo na lang ang kaginhawaang magagawa noon. Kilala ko ang babae, si
Matea.
Isagani: Hindi naman siguro masama
kung atin munang susubukan ang mga paraang hindi mahalay tignan. Kakausapin ko
si G. Pasta. Kung ako’y hindi magtatagumpay, tsaka natin gawin ang ibang
paraan.
Macaraig: Marahil ay tama si
Isagani. Kung gayoon, hintayin natin ang resulta ng pakikipag-usap niya kay G.
Pasta.
SCENE
10
Isang hapunan ang naganap sa bahay ni
Quiroga…
Simoun: Quiroga, sinisingil na
pala kita sa siyam na libo mong utang sa akin.
Quiroga: Pasensya na ngunit hindi
kita mababayaran kaagad. Nalulugi na kasi ako.
Simoun: Babawasan ko na lang ang
halagang dapat mong bayaran. Pitong libong piso na lang. Ngunit, kailangan pumayag
ka na itago ang mga armas na dumating sa bodega mo.
Quiroga: Ahhm…
Simoun: Wala ka dapat ikabahala.
Ang mga armas na iyon ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay
gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilanggo.
Quiroga: Sige, pumapayag na ako sa
iyong nais.
Bisita 1: Pumunta naman tayo sa
perya. Balita ko, magaling na majikero si Mr. Leeds.
Bisita 2: Sige. Nakamamangha raw
si Imuthis.
Pari Camorra: Ang dami namang
magagandang dalaga rito! Lalo na si Paulita, ang ganda.
Isagani:
Donya Victorina: Ako rin nama’y
maganda. Ngunit ‘di na ako dalaga.
Tao 1: Nasaan na kaya si Simoun?
Pari Camorra: Natakot lang siguro
yun. Natakot na baka pagbayarin natin sa pagpasok at paglabas ni Mr. Leeds .
Ben Zayb: Baka naman natakot na
matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan na si Mr. Leeds. Makikita ninyo’t
lahat ay sa salamin lamang.
Tao 2: Pasok na tayo sa loob.
Ben Zayb: Bakit ganoon? Wala akong
makitang salamin.
Mr. Leeds: Ito ay aking natagpuan
sa isang libingang nasa pyramid ni
Khufu.
Imuthis: Ako si Imuthis. Ako ay
umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay. Ako ay
nabuhay muli upang ihayag ang mga kataksilan ng mga taong nagkaroon ng
kasalanan sa akin.
Pari Salvi: Ako’y lubhang
natatakot sa kanya
Imuthis: Mamatay ka! Lapastangan
sa Diyos at mapagparatang! Isinusuplong kita! Mamatay! Mamatay ka!
SCENE
11
Isagani: Basilio, Sasama ka ba sa
Variedades? May dulaan kasing magaganap.
Basilio: Pasensya na ngunit, hindi
ako makasasama sa inyo. Masyado akong abala at marami akong ginagawa.
Pecson: Sige na, sumama ka na.
Sabi nila, maganda raw ang “Le Cloches de Corneville”.
Basilio: Kailangan kong alagaan si
Kapitan Tiyago. At isa pa, wala akong pera pambili ng tiket.
Juanito: Manghingi ka na lang sa
tatay-tatayan mo.
Basilio: Hindi puwede, nahihiya
ako.
Sandoval: Ililibre ka na lang
namin.
Basilio: Hindi talaga ako sasama.
Pasensya na. Nawa’y matuwa kayo sa palabas.
SCENE
12
Sa bahay ni Basilio…
Simoun: Kamusta na si Kapitan
Tiago?
Basilio: Mahina na ang pulso, walang
ganang kumain. Kumalat na ng tuluyan ang lason sa kanyang katawan.
Simoun: Parang Pilipinas, habang
tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mo binabasa ang librong
ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal sa bayan. Sa loob lamang ng isang
oras, magsismula na ang himagsikan, at bukas ay wala nang mga unibersidad, wala
ng mga mag-aaral at magpapahirap. Naparito ako dahil sa dalawang bagay: ang
kamatayan mo o ang iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo o sa panig ng
iyong bayan?
Basilio: Sa panig ng umaapi o sa
panig ng inaapi? Hindi ko alam.
Simoun: Magpasya ka! Kailangan mo
ng mag-desisyon, dahil ako ang namumuno sa pagkakagulo. Ipakikiusap ko sayo na
samantalahin mo ang pagkakataon. Pamahalaan mo ang isang hukbo at lubusin ninyo
ang Sta. Clara. Kukunin mo ang isang taong tanging ikaw lamang ang nakakakilala
bukod kay Kapitan Tiago, si Maria Clara.
Basilio: Huli na kayo!
Simoun: Anong ibig mong sabihin?
Basilio: Si Maria Clara ay patay
na!
Simoun: Patay? Hindi! Papaanong
nangyari ito?
Basilio: Ika-anim ng hapon nang
siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang makibalita nang sabihin nila sa
akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang lliham mula kay
Padre Salvi na ipinaaabot kay
Kapitan Tiago ang dala ni Padre Irene. At dahil na rin sa sulat na ito kung
kaya’t nanangis ang Kapitan.
Simoun: Hindi maaari ito! Hindi pa
siya patay! Buhay pa si Maria Clara! Ililigtas ko siya ngayon!
Basilio: Señor Simoun, huminahon
kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin ang katotohanan.
Simoun: Namatay siya nang hindi
man lamang nalalamang ako’y buhay! Namatay siya nang hindi nalalaman na ako’y
nagbalik para sa kanya!
Basilio: Kaawa-awang tao. Labis
siyang naghirap. Nagtiis siya ng napakahabang panahon para sa kanyang iniibig.
At heto ang kanyang nakuhang ganti. Sadyang nakakapanghina ng damdamin.
SCENE
13
Sa isang pansiterya na nagngangalang
Pansiteria Macanista de Buen Gusto, ang mga estudyante ay nagtipon-tipon dahil
sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat sila’y nabigo sa kanilang
panukala ukol sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Lahat ng mga estudyante: Luwalhait
kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa sa mga binatang may magagandang
kalooban!
Estudyante 1: Bakit hindi
pinaburan ni Don Custodio ang ating hiling?
Macaraig: Walang nakakaalam niyan.
Estudyante 2: Diba’t marami na
siyang tagumpay? Bakit tayo’y hindi man lamang niya hinayaang magtagumpay?
Mabuti naman an gating layunin.
Tadeo: Alam niyo na ba? Ang
mag-aalahas na si Simoun ay ginulpi ng mga di nakilalang mga tao. At ayaw daw
nitong magsalita! Marahil ay nagbabalak maghiganti. Sabi ng ilan sa bayan, mga
prayle daw ang may kagagawan.
Sandoval: Sino ba naman sa atin
ang may interes sa nangyari sa mag-aalahas na walang ibang nais kundi samsamin
ang mga salapi ng mga Pilipino. Tena kayo! Ang sarap ng mga pagkain.
Macaraig: Mabuti at nakarating ka.
Si Juanito na lang pala ang wala.
Tadeo: Sana’y si Basilio na lang
ang ating inanyayahan sa halip na si Juanito. Mukhang wala itong balak pumunta.
Sandoval: Oo nga naman. Bakit nga
ba hindi na lamang si Basilio an gating inanyayahan?
Tadeo: Isa pa, kapag nalasing
natin si Basilio ay maaari pa tayong makakuha nang ilang detalye tungkol sa
isang bata at isang mongha na nawawala.
Estudyante 3: Kumain na tayo!
Tadeo: Para
kay Don Custodio ang “panukalang sopas”.
Sandoval: Kay Padre Irene naman
ang lumpiang shanghai at ang tortang alimango ay sa mga prayle.
Macaraig: Pansit guisado naman
para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng mga Intsik, tayo ang tumatangkilik
pero sila ng nakikinabang. Tulad n gating pamahalaan ngayon.
Isagani: Hindi! Dapat ialay ang
pansit kay Quiroga, isa sa pinaka-makapangyarihang tao sa Pilinas!
Estudyante 4: Dapat ay sa Eminencia
Negra, kay Simoun!
Tadeo: Tignan ninyo! Hindi ba’t
iyon ang paboritong estudyante ng Vice Rector?
Isagani: Masdan ninyo’t sa karwahe
ni Simoun ito sumakay!
Macaraig: Ang busabos ng Vice
Rector na pinaglilingkurang panginoon ang Heneral!
SCENE
14
Habang naglalakad si Basilio
patungo sa unibersidad.
Basilio: Teka! Si Sandoval iyon.
Sandoval! Sandoval! Dito! Sandoval!
Tadeo: Basilio! Nabalitaan mo na
ba?
Basilio: Ang alin? Ang tungkol ba
sa mga paskil?
Tadeo: Hindi! Matagal daw
mawawalan ng pasok! Akalain mo iyon! Sige ha, mauna na ako sa iyo.
Basilio: Akala ko naman kung bakit
siya masaya. Juanito! Mabuti at nakita kita. May itatanong lang sana ako sayo tungkol sa
mga paskil na sinasabi nila.
Juanito: Wala! Wala akong
kinalaman Basilio! Alam mo iyon!
Basilio: Teka, huminahon ka.
Namumutla ka na oh.
Juanito: Wala akong kinalaman
Basilio! Alam mo iyon! Wala akong kinalaman! Isang sibil! Paalam Basilio, may
kailangan pa akong puntahan.
Basilio: Ano ba ang nangyayari?
Wala naman akong mapagtanungan. Isagani! Mabuti naman at nakita kita.
Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari?
Isagani: Bakit ganoon? Dahil lang
sa isang maliit na pangyayari ay masisira ang samahan nating lahat? Ganoon ba
kababaw ang lahat ng atin pinagsamahan? Ngayon lang ba may makukulong nang
dahil sa kanyang pagtatanggol sa kalayaan?
Basilio: Sino ba anng may
kagagawan ng mga paskil? Bakit ganoon kasasama ang nakalagay?
Isagani: Hayaan nating sila na ang
umalam. Kung nasaan ang panganib, doon tayo! Naroon ang karangalan ng isang
Pilipino. Kung ang sinasabi ng mga paskil ay tungkol sa karangalan, hayaan
natin ito at pasalamatan.
Basilio: Naparito po ako upang
makipagkita sa aking kaibigan na Macaraig.
Macaraig: Marangal na pagkatao! Sa
oras nang kaginhawaan ay wala ka ngunit ngayong kayo’y kailangan naming ay
naririto kayo at handing sumuporta.
Kabo: Ano ang pangalan mo binata?
Basilio: Basilio po.
Guardia Civil: Narito ang kanyang
pangalan sa listahan.
Kabo: Dakpin rin siya at isama sa
himpilan.
Basilio: Saglit lang, bakit pati
ako?
Macaraig: Huwag kang mag-alala.
Ibabalita ko na lang sayo ang nangyari sa hapunan kagabi habang nasa sasakyan
tayo.
Basilio: Ako’y napadaan lang dahil
ako sana ay
mannghihiram nang kaunting halaga sayo.
Macaraig: Huwag kang mag-alala.
Kapag tayo’y nanumpa, aanyayahan natin ang kabong ito.
SCENE
15
Chismosa 1: Alam niyo ba, maraming
nakulong na estudyante.
Chismosa 2: Oh? Kawawa naman sila.
Chismosa 3: Oo nga eh. Pati nga si
Basilio na walang kinalaman nakulong eh.
Chsimosa 1: Kawawa naman siya.
Buti pa si Makaraig, madaling nakalaya. Mayaman kasi ang pamilya niya eh.
Chismosa 2: Wala talaga akong alam
sa balitang ‘yan.
Chismosa 3: Akala ko nga ‘di
makalalaya si Isagani eh. Buti nakalaya siya.
Chismosa 2: Nasaan na si basilio
ngayon?
Chismosa 1: Balita ko, pinatapon
siya sa Carolinas .
Chismosa 3: Kawawa namang bata.
Chismosa 4: Kilala niyo ba si
Kapitan Tiyago?
Chismosa 5: Oo naman! ‘Di ba, siya
yung ama ni Maria Clara?
Chismosa 6: Oo, siya nga yun. Siya
rin yung kumupkop kay Basilio ‘di ba?
Chismosa 4: Alam niyo ba, wala na
si Kapitan Tiyago?
Chismosa 5: Wala? Nangibangbayan ba
siya?
Chismosa 6: Hindi, ayon sa
chismis, patay na raw si Kapitan Tiyago!
Donya Patrocinio: Nais ko ring
mamatay bukas! Gusto kong mailibing ng lalong dakila at kahanga-hanga. ‘Di ako
papayag na malamangan ako ni Tiyago. Mas lamang dapat ang Donya Patrocinio
kaysa sa Kapitan Tiyago! Mwahahahahah
SCENE
16
Pari Irene: Dahil sa ako ang
inatasan na ipatupad ang huling testamento ni Kapitan Tiyago, Hayaan niyong
marinig ang kanyang huling habilin.
Pari Irene: Pinaghati niya ang
kanyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa orden
Tao 1: May iniwan po ba siya para
sa mga mahihirap?
Pari Irene: Sandali lamang. 20
piso ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap. At sa’yo naman
Basilio…
Basilio: Hindi na po ako umaasa na
bibigyan ako ng mana ni Kapitan Tiyago.
Pari Irene. Hindi Basilio, meron
kang 25 piso.
Mongha 1: Alam niyo ba, nakita ko
si Kapitan Tiyago.
Mongha 2: Si Kapitan Tiyago? Siya
talaga?
Mongha 3: ‘Di ba patay na siya?
Mongha 1: Nakatatakot talaga.
Nagliliwanag na kaluluwa lang ang aking nakita.
SCENE
17
Hermana Penchang: Ayon sa huling
balita na aking nasagap, hawak pa rin nila si Basilio.
Chismosa 1: Paano naman ang
kanyang mga kasamahan?
Hermana Penchang: Nakalaya na
silang lahat. Patay na kasi si Kapitan Tiyago kaya wala nang tao ang
magkakalinga sa kanya. Kasalanan naman niya iyon eh!
Chismosa 2: Sa tingin ko, wala
namang kasalanan si Basilio.
Hermana Penchang: Hindi kasi
nag-aagwa bendita sa Simbahan si Basilio. Ang arte kasi. Narurumihan sa tubig.
Chismosa 1: Pero alam niyo,
nag-aalala ako para sa kanya. Baka bitayin siya. Enero rin binitay ang 3 martir
sa Cavite .
Kawawa naman si Juli.
Hermana Penchang: Sus! Buti na
lang pinakawalan ko na si Juli. Ayaw ko kayang magalit sa akin ang mga prayle.
Hermana Bali: Juli, alam mo na ba
ang tungkol kay Basilio?
Juli: Ano po iyon Hermana Bali?
Hermana Bali: Baka hatulan si
Basilio ng bitay. Enero rin kasi binitay ang 3 paring martir.
Juli: Hindi maaari…..
Hermana Bali: Juli, Juli..!
Gising..!
SCENE
18
Juli: Puwede po bang kayo na lang
po ang makiusap kay Pari Camorra?
Hermana Penchang: Hindi puwede
iyon. Ayon sa tribunal, mas maganda kung isang dalaga ang makikiusap. Hindi
katulad ko na isa ng matanda.
Sa kumbento…
Juli: Pari Camorra, Maari niyo po
ba akong tulungang makalaya ang aking mahal na si Basilio?
Pari Camorra: Maari. Ngunit, sa
isang kondisyon. Isuko mo sa akin ang iyon puri at pagkababae. Mwahahahahahahhahaha.
Juli: Hindi maaari! Kay Basilio
lamang iyon nararapat mapunta. Hindi sa katulad mo! Tulong…!!!
Hermana Bali: Juli, gising Juli!
‘Wag kang mamatay!
SCENE
19
Ang sitwasyon naman ni Basilio…
Basilio: Haaaay, ako’y lubos na
nangungulila sa aking mga mahal sa buhay. Kamusta na kaya ang aking mahal na
Juli? Sana’y nasa maayos na kalagayan si Kapitan Tiyago.
Sinong: Basilio…
Basilio: Sinong, napadalaw ka?
Sinong: Basilio… nawala na si Tandang
Selo…
Basilio: Ano kamo?!?
Sinong: Wala na rin si Kapitan
Tiyago…
Basilio: Kailan siya pumanaw?
Sinong: Medyo matagal-tagal na rin
po. Ako’y lubos na dumadamay sa iyo.
Basilio: Ang aking mahal? Si Juli?
Ano na ang balita sa kanya?
Sinong: Ahhhhm… Wala na rin po si
Juli… Nagpakamatay po siya. Hihingi po kasi siya ng tulong kay Pari Camorra
ngunit, iba ang nais ni Pari Camorra – ang kanyang puri.
Basilio: Hindi…!!!! Hindi ‘to
maaari….!
Sinong: Pasensya nap o talaga.
Sige po, aalis na ako. Mag-ingat ka po diyan.
SCENE
20
Chismosa 1: Uy, alam mo na ba yung
tungkol kay Juli?
Chismosa 2: Oo naman. Lagi kaya
akong nauuna sa balita. Sinaksak niya ang sarili niya ‘di ba?
Chismosa 1: Sira! Tumalon siya sa
bintana! Hahalayin nga kasi sana
ni Pari Camorra.
Chismosa 2: Kawawa naman siya.
Chismosa 3: Malapit na pala ang
kasal ni Paulita.
Chismosa 4: Oh? Ikakasal na sila
ni Isagani.
Chismosa 3: Hindi! Sila ni Juanito
ang ikakasal.
Chismosa 4: Ano?! Ano ba namang
klaseng babae ‘yan si Paulita!
Chismoso 1: Isang malaking kasalan
pala ang kasal nila Paulita at Juanito.
Chismoso 2: Paano naman?
Chismoso 1: Sabi kasi sa tsismis,
si Simoun na mag-aalahas ang tutulong sa paggastos. At ang bahay ni Kapitan
Tiyago ang ireregalo sa kanila.
Ben Zayb: Natitiyak kong isang
magarbong handa ang iyong ihahandog G. Simoun.
Simoun: Iyon nga sana ang aking balak ngunit wala naman akong
malaking lugar upang pagdausan ng isang malaking piging.
Ben Zayb: Sayang naman pala. Di
sana’y kayo na lang ang nakabili ng bahay ni Kapitan tiago at hindi sana napunta kay Don
Timoteo Pelaez ng libre. At ngayon! Ikakasal ang kanyang anak sa mayamang si
Paulita Gomez!
Simoun: Ganoon talaga, may mga tao
talagang swerte.
Ben Zayb: Kung sa bagay. Mabuti na
ri at si Juanito ang kanyang pakakasalan kaysa naman sa isang hamak na makatang
si Isagani! Marunong din mag-isip ang babae. Alam niyang hindi niya kaya ang
buhay mahirap.
SCENE
21
Basilio: Isa akong masamang anak
at kapati G. Simoun. Nakalimutan kong piñata ang aking kapatid at pinhirapan
ang aking ina. Ngayo’y pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akong nararamdaman
kundi galit ant paghihiganti.
Basilio: Kahit noong may
himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at ako’y nakulang kahit wala
akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas nang dahil sa
inyo. Ngayon, handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan.
Simoun: Nabigo ang kilusan ng
dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon, dahil umiibig pa ako
noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahlia para umatras. Pareho na
tayo ngayon. At sa tulong mo ako’y magtatagumpay. Magsasabog ako ng kamatayan
sa gitna ng bango at rangya, ikaw nama’y gigising sa mga kabataan sa gitna ng
dugo.
Basilio: Para
saan naman po ang lamparang iyan?
Simoun: Hintayin mo.
Basilio: Dinamita!
Simoun: Oo, ngunit hindi ito
basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mga kagagawang walang
katwiran at mapang-api. Nagyong gabi, makakarinig ng pagsabog ang Pilipinas at
mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang parusahan!
Simoun: Mamayang gabi ay
magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna ng handaan.
Napkaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang.
pagkaraan ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang
mitsa, sasabog ang bomba!
Basilio: Kung gayo’y hindi na pala
ninyo ako kailangan.
Simoun: Iba ang iyong gagawin.
Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang kinasundo ko noon.
Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta. Mesa . Sabay-sabay na
susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring
lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahy ni Quiroga dahil doon
nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman ni Kabesang Tales ay susubukang
agawin ang tulay. Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng hindi handa!
Basilio: Lahat? Kahit ang mga
walang laban?
Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio , Mestiso, Intsik,
Kastilang duwag! Kailangang magsimula muli. Mula sa mga dugong dadanak ay
sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahit kalian ay hindi na
magpapa-api!
Basilio: At ano na lang ang
sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?
Simoun: Pupurihin tayo ng
daigdaig!
Basilio: Ano nga naman ang aking
pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila ito o hindi? Bakit ko
kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi lumingap sa akin!
Simoun: Tama ka!
Simoun: Hintayin ninyo ako sa
tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi. Lumayo kayo sa Daanng
Analoague sa alas-nuwebe.
Basilio: Kung gayo’y magkita na
lamang tayo mamaya.
SCENE
22
Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang
dagsain ng mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiyago, na pagdadausan ng kasal
nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng Kapitan Heneral na lamang ang
hinihintay upang magsimula ang pista.
Basilio: Ang dami palang mamamatay
sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila. Payuhan ko na lamang kaya ang
ilan na umalis upang hindi madamay.
Basilio: Hindi! Ano naman ngayon
sa akin kng mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain ang pagtitiwala niya. Siya
ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa looba ng pumatay! Sinubukan kong
kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay may hangganan din!
Bisita 1: Kay ganda namang lampara
iyan.
Bisita 2: Oo nga eh, sana may ganyan din ako
sa aking bahay.
Basilio: Hindi sila dapat madamay!
Basilio: Papasukin nyo ako!
Ililigtas ko sila!
Tanod: Hindi ka maaaring pumasok
dito! Tignan mo nga iyang suot mo!
Basilio: Papasukin ninyo ako!
Simoun: Tayo na sa Escolta,
madali!
Basilio: Ililigtas na niya ng
kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.
Isagani: Anong ginagawa mo dito?
Basilio: Isagani! Tara na! umalis na tayo dito!
Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan
natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.
Basilio: Gusto mo na bang mamatay?
Isagani: Hindi ko alam.
Basilio: Makinig ka! Ang lampara
sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang oras ngayon! Tara na!
Isagani: Bukas ay iba na siya….
Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.
Bisita 1: Nakasulat dito, “Mane
thecel, pares” – Crisostomo Ibarra.
Bisita 2: Isang biro lang iyan!
Bisita 3: Hindi magandang biro!
Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang namayapa!
Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang
nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!
Kapitan Heneral: Ituloy ang
kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walng kwenta ang ganyang biro.
Don Custodio: Hindi kaya nais niya
tayong patayin lahat?
Kapitan Heneral: Padre Irene,
pakitaas na lamang ang mitsa.
Padre Irene: Isang saglit lamang.
Padre Irene: Magnanakaw! Habulin
ninyo ang magnanakaw!
SCENE
23
Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may
kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas
at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay
kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.
Padre Florentino: Masama ba ang
inyong pakiramdam?
Simoun: Wala ito Padre, mawawala
din ang lahat pagkaraan ng ilang sandal. Anumang oras ay tatalab na ang lason
sa aking katawan.
Padre Florentino: Diyos ko!
Simoun: Huwag kayong matakot.
Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking lihim. Maaari mo bang
sabihin sa akin kung totoong may Diyos?
Padre Florentino: Kahit saan tayo
nagtungo nariyan ang Diyos.
Simoun: Padre, ayokong mamatay ng
may dalang kasamaan!
Simoun: Padre, ako si Crisostomo
Ibarra. Bumalik ako rito upang maghimagsik. Masyadong nalason ng mga Kastila
ang ating bansa. Ako ay nagtangkang magpasabog noong kasal nila Paulita at
Juanito.
Padre Florentino: Patawarin ka ng
Diyos, anak. Alam Niyang hindi mo ginsto ang lahat, na ikaw ay nasilaw lamang
ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat anng nangyari. Hindi
nagtagumpay ang iyong plano
nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang
Kanyang kapasyahan.
Simoun: Palagay niyo po ba ay
Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?
Padre Florentino: Walang
makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay hindi Siya naghangad ng
masama para sa atin.
Simoun: Kung gayon, bakit hindi
Niya ako tinulungan?
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong
pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng dakila.
Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan
at hndi ang mga masasamang namamahala na walang dulot kundi kasamaan?
Padre Florentino: kailangang
alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
Simoun: Maraming salamat Padre,
ngayon ay payapa na ang aking kalooban.
Padre Florentino: Malibing ka nawa
sa kailaliman ng dagat… ngunit kung kakailanganin ka ng tao para sa isang
marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng
alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi
mag-uudyok ng kasakiman.
_-=]wakas[=-_